Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » No to selos-selos

No to selos-selos

Kylie Padilla2

by Rowena Agilada

Happy hearts noong Valentine’s Day sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Sa Tagaytay sila nag-celebrate ng V-Day, ayon kay Kylie nang nakausap namin sa presscon ng “Adarna.”

Three years na sila together at getting stronger ang kanilang relasyon, pagmamalaki ni Kylie. Sobrang romantic daw si Aljur, pero hindi ito ‘yung tipong nagpi-PDA (Public Display of Affection). “Pag kami lang at walang ibang taong nakakakita, sweet siya,” lahad ni Kylie.

Selosa ba siyang girlfriend? “Noong una, pero hindi na ngayon. Nakakasira ng relasyon ‘yung selos-selos (laughs).Ang importante, nagmamahalan kayo. May time kayo para sa isa’t isa.”

Ano ang nadiskubre sa kanya ni Aljur? “Nagulat siya, para raw akong lalaki (laughs). Nagpa-firing ako. Nag-mu-muay thai. Mas magaling ako sa kanya (laughs again).’Yung kayang gawin ng mga lalaki, kaya ko rin.”

Ani Kylie, enjoy siya sa role niya bilang taong ibon sa “Adarna” dahil aksiyun-aksiyunan siya sa ilang mga eksena. Lumilipad pa siya, masakit nga lang daw sa singit kapag naka-harness siya. Sa March 5 ang last taping day nila sa “Adarna” at sa March 14, paalis si Kylie patungong Australia para magbakasyon at dalawin ang kanyang mommy Liesel Sicangco at mga kapatid niyang sina Queenie, Shin at Ali.

SOLENN Heusaff

Ayaw ng flowers and chocolates
Nagpalagay na ng CCTV camera, alarm at electronic fence ang daddy ni Solenn Heussaff sa bahay nila sa Forbes Park, Makati City. May baril na rin si Solenn, pero ang gusto ng daddy niya, bolo na lang.

Kamakailan kasi’y ninakawan ang bahay nila na bukod tanging ang kuwarto lang ni Solenn ang pinasok ng magnanakaw. Aniya, hindi naman mahahalagang bagay ang ninakaw sa kanya.

Wala silang Valentine date ng Argentinian boyfriend niya, ayon kay Solenn. Hindi raw uso ‘yun sa kanila.Wala rin silang Valentine gifts sa isa’t isa. No flowers, no chocolates, no sweet notes . “I hate flowers. Binabasura ko lang ‘yun. Chocolates? Bihira akong kumain. Dark chocolates, pero kaunti lang,” saad ni Solenn.

Guest siya sa Valentine concert ni Ogie Alcasid (“Samahang Walang Ka-Valentine”) sa Music Museum and after that, humabol na lang siya sa Valentine dinner sa bahay ni Anne Curtis. Du’n sila nag-dinner ng BF niya, ayon kay Solenn. Chef ang brother niyang si Erwan Heussaff na boyfriend ni Anne.

Dagdag na karakter sa “Adarna” si Solenn bilang Dayana, ang Ibong Adarna. Nagulat daw siya nang ipaalam sa kanya ng manager niya na kasali siya sa naturang fantaserye. “Malalim ‘yun. Pang-diwata ang role. Parang poet ang dialogue. Eh, bulol ako sa tagalog (laughs). Buti na lang,may acting coach sa set para i-guide ako,” wika ni Solenn.

Kilig much
Kahit na-pre-empt ni Luis Manzano sa “Buzz ng Bayan” ang pag-amin niya na nagkabalikan na sila ni Angel Locsin, kilig much pa rin ang pag-amin nila sa last airing ng “Minute To Win It” kung saan guest si Angel. ‘Kaaliw ang sinabi ni Angel na ang baba ni Luis ang nagustuhan at minahal niya rito.

Kung makatingin si Kulet (Luis) kay Kite (Angel), punung-puno ng pagmamahal. Sana lang, together forever na sila. Between now and 2015 na plano nilang magpakasal, anything can happen. Kung may mga pagsubok muli sa kanilang relasyon, sana’y malabanan at malampasan nila.

comments