Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Hindi raw mukhang pera

Hindi raw mukhang pera

GUTIERREZ Family

by Rowena Agilada

Siguro naman, matutuloy na this week ang presscon ng Gutierrez family para sa kanilang reality show, “It Takes Gutz To Be A Gutierrez (ITGTBAG).” Dalawang beses nang nakansel ang presscon nito. Noong una, diumano’y may mga bagay pang inayos sa pirmahan ng kontrata sa cable channel na pagpapalabasan ng kanilang reality show.

‘Yung pangalawa, nagpunta naman last week sa Singapore ang pamilya Gutierrez para sa meeting nila roon sa isang Asian TV network para sa kanilang reality show. Excited ang mga invited entertainment writers sa presscon ng mga Gutierrez dahil inaabangan ang big announcement na sinabi ni Annabelle Rama sa unang presscon ng ITGTBAG.

Magkaayos kaya?
Curious ang press sa kalalabasan ng mediation between Atty. Annette Gozon-Abrogar and Sarah Lahbati. Marami ang umaasa na magkakaayos na sila kaugnay ng mga kasong isinampa nila laban sa isa’t isa. May pahayag si Atty. Annette na willing naman siyang makipag-ayos kay Sarah, depende sa magiging pag-uusap nila at ng kampo nito.

Sa interbyu kay Sarah ng “Startalk,” sinabi niyang naguluhan lang siya noon emotionally. Ayon pa kay Sarah, nami-miss na niya ang acting. May kontrata pa siya sa GMA Network at kung magkakaayos na sila, posibleng mabigyan na siya ng project.

‘Heard, may mga pinaplano na para kay Sarah. Habang hinahapan pa siya ng project, ipinahiram muna siya sa TV5. Gagawa siya ng isang telesine sa Kapatid Network.

Walang mana
Nao-offend si Derek Ramsay kapag may nagsasabing mukha raw siyang pera. Nag-ugat ‘yun noong lumipat siya sa TV5 at nabalitang malaki ang talent fee niya sa pinirmahan niyang kontrata. Itinanggi ito ni Derek nang nakausap namin sa presscon cum special screening ng “Bawat Sandali.”

“It’s not the amount,”ani Derek. “It’s not my primary consideration when I transferred to TV5. Noong nasa ABS-CBN pa ako, ang tagal kong walang project. Naghintay ako, pero walang maibigay sa akin. Nang alukin ako ng TV5 ,I grabbed the opportunity,”words to that effect na sabi ni Derek.

“Sa mga taong nagsasabing mukha akong pera, they’re entitled to their opinion.Nakaka-offend lang. They can say what they want to say. Ang parents ko, pinaghirapan nilang pag-aralin ako sa best schools. Honestly, wala akong mana from my parents. I really have to work hard,” pahayag pa ni Derek.
By the way, mamaya na mapapanood ang “Bawat Sandali” sa TV5. Ito ang grande finale sa Love Month series na hatid ng Studio5 Original Movies.Kasama ni Derek sa “Bawat Sandali” sina Angel Aquino, Yul Servo, Phillip Salvador at Mylene Dizon.

Hiling ng fans
Nagtatanong ang fans and supporters ni Tom Rodriguez kung kailan daw ba nila mapapanood sa bagong project ang kanilang idolo? Nami-miss na raw nila si Tom . Huling teleserye niya sa GMA7 ay “My Husband’s Lover” kung saan nag-klik ang TomDen tandem nila ni Dennis Trillo.

Hiling ng fans ni Tom, sana raw ay makatrabaho naman niya si Heart Evangelista. Katatapos lang ng “Magkano Ba Ang Pag-ibig?” ni Heart. Sana raw sa next project niya sa GMA ay si Tom naman ang ipareha sa kanya. Why not?

Todo emote
Obserbasyon ng mga nanonood ng “Rhodora X,” mukha raw feel na feel ni Jennylyn Mercado ang role niya na may split personality. Buhus na buhos ang emosyon niya kapag siya si Roxanne, ang alter ni Rhodora.

Kapag nagagalit si Roxanne, ang galing-galing daw mag-emote ni Jen. Para bang may malalim siyang pinaghuhugutan. Sino o ano raw kaya ang pinagbubuntunan ng galit ni Jen? Matanong nga ang Kapuso actress.

comments