Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ex ni Dingdong gustong ma-meet si Marian

Ex ni Dingdong gustong ma-meet si Marian

MARK Herras

by Rowena Agilada

Tama lang na sinunod ni Mark Herras ang payo ng manager niyang si Lolit Solis na aminin na niyang may anak na siya.Inunahan ni Mark ang mga diumano’y nagbabanta sa kanya na may pasasabugin ang mga ito na ikakasira ng kanyang career.

Wala namang lihim na hindi nabubunyag. Parang nabunutan ng tinik si Mark sa pag-amin niyang may 3-month old baby girl na siya na Ada ang name. Ani Mark, hindi isang kasalanan si Ada. Nagkamali lang daw siya. Gano’n na rin ‘yun, di ba? Nag-sorry si Mark sa ex-girlfriend niyang si Ynna Asistio at sa pamilya nito.

Mark is 27 years old at 32 years old ang kanyang handler (or road manager) na naanakan niya. Hindi malinaw kung girlfriend niya ito or trip- tripan lang sila, kaya nabuo si Ada. Whatever! Ayon kay Mark, hindi dahilan ng paghihiwalay nila ni Ynna ‘yung nakabuntis siya ng ibang babae. E, ano kaya?

Parehas na ngayon sina Mark, Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi na may mga anak na. Starstruck batch 1sila at magkakatrabaho ngayon sa “Rhodora X.” Mamaya sa “Rhodora X,” walang kamalay-malay si Angela (Yasmien) sa masamang balak sa kanya ni Roxanne (Jennylyn) nang paakyatin siya nito sa yate na pag-aari ni Nico (Mark Anthony Fernandez). Pinaamoy siya ni Roxanne ng pampatulog saka ikinulong sa cabin.

Kinabukasan na araw ng kasal nina Angela at Joaquin (Mark Herras), hindi mapakali si Joaquin sa simbahan dahil wala pa si Angela. Ibinalita ng mga magulang nito na nawawala ang anak nila. Walang kamalay-malay si Nico (Mark Anthony Fernandez) na nasa yate pala niya si Angela at nakasamang maglalayag sa dagat.

Gustong makita
Nasa Pilipinas pala ngayon si Antoinette Taus, ex-girlfriend ni Dingdong Dantes. May nag-post sa isang Instagram account na nasa Clark, Pampanga si Antoinette. How true kaya na she’s looking forward to seeing and meeting Marian Rivera?

“Marimar” days pa lang nina Dingdong at Marian, napansin na namin na may hawig si Marian kay Antoinette noong minsang dumalaw kami sa taping nito.Sinabi rin ito sa amin ni Dingdong na may mga anggulong magkahawig ang dalawa. Pangiti-ngiti lang that time si Marian.

We remember pa rin, kasikatan ng love team noon nina Dingdong at Antoinette noong nag-desisyon ang huli na magpunta sa United States sa kagustuhan nitong magkaroon ng acting career doon. Unfortunately, hindi nagkaroon ng katuparan ang Hollywood dream ni Antoinette.

Ang iniwan niyang boyfriend noon, Kapuso Primetime King na ngayon at boyfriend ng Kapuso Primetime Queen. May panghihinayang kaya kay Antoinette? That’s life. We can never can tell. (pahiram Ara Mina). Ay, oo nga pala, may kapartner na si Ara sa nakakalokang pamosong linya niya. Napanood namin si Jojo Alejar sa “Picture! Picture!” ni Ryan Agoncillo sa GMA7 na buong ningning nag-dialogue ng “What are friends are for?” O, di ba, ‘kaloka rin ang linya ni Jojo? Pauso?Joke!

Gay relationship
Opening day ngayon sa mga sinehan ng “Unfriend” na hatid ng Solar Entertainment. Umani ito ng papuri sa nakaraang Berlin Film Festival na ipinalabas sa Panorama section.

Tungkol ito sa isang 15-year old gay na biglang iniwan ng kanyang 17-year old boyfriend after Christmas.Mahusay nailahad ni direk Jay Altarejos ang mga masasakit na pinagdaraanan ng isang gay na kabataan sa fatal attraction nito sa BF. May malaking papel ang social media sa dramang ito ng dalawang kabataan. Tampok sa pelikula sina Boots Anson-Roa, Sandino Martin at Angelo Ilagan.

comments