Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ano, may bisyo raw si Mark?

Ano, may bisyo raw si Mark?

Vic Sotto, Oyo Sotto and Solenn Heusaff

by Rowena Agilada

Madaragdagan na naman ang apo ni Vic Sotto. Six weeks pregnant si Kristine Hermosa sa second baby nila ni Oyo Sotto (anak nina Vic at Dina Bonnevie). Girl ang panganay ng mag-asawa at may adopted son sila na parang tunay na apo rin ang turing ni Vic.

Ang panganay nila ni Dina na si Danica ay dalawa ( o tatlo ba?) ang anak sa asawa nitong basketball player na si Marc Pingris.

Sakaling magpakasal at magkaanak sina Vic at Pauleen Luna, mas matanda pa ang mga apo ni Vic. Ano kayang itatawag ng mga ito if ever sa anak ( o mga anak) nina Vic at Pauleen?

Dahil sa bisyo?
Ano kayang bisyo ni Mark Herras ang sinabi ni Nadia Montenegro,kaya nakipaghiwalay ang anak niyang si Ynna Asistio? Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung ano ang tunay na dahilan ng break-up nina Mark at Ynna. Iba’t ibang versions kasi ang nakarating sa amin.

Sa past interviews kay Mark, aniya, walang third party involved. Nakakapanghinayang na nauwi sa hiwalayan ang limang taong relasyon nila ni Ynna.May pahayag pa noon si Mark na si Ynna na ang babaeng gusto niyang pakasalan .

Nagplano pa sila na mag-o-open sila ng joint-bank account. Nabanggit din noon ni Mark na naghahanap sila ni Ynna ng mabibiling bahay at share sila sa pagbabayad. Pauupahan nila ‘yun.

Ang daming magagandang plano noon ni Mark para sa kanila ni Ynna. Sobrang na-hurt si Ynna noong nag-break sila dahil first boyfriend niya si Mark. Lalo pang nadagdagan ang sakit ng puso’t kalooban ni Ynna sa nalaman niyang nakabuntis si Mark ng ibang babae sa panahong magkarelasyon pa sila. Ngayon, proud daddy na si Mark sa kanyang 3-month old baby girl named Ada (Ada Sofia Nicolette), courtesy ng kanyang handler.

Walang arte
Suwerte si Anne Curtis kapag nagkatuluyan sila ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff bilang mag-asawa.Tanggap na tanggap siya ng pamilya nito, lalo na ni Solenn (ate ni Erwan). Tatlo silang magkakapatid at only boy si Erwan.

Same age (29 years old) sina Anne at Solenn at magkabarkada na ayon sa huli, sobrang bait ni Anne. Wala siyang masasabi against her future sister-in-law.” Walang arte si Anne. Game siya in everything . Madali siyang pakisamahan,”saad ni Solenn.

Two years older si Anne kay Erwan. Ayon kay Solenn, hindi tututol ang pamilya nila sakaling gustuhin nang magpakasal ng dalawa. May pagbabantang pahayag si Anne na kapag 32 years old na siya at hindi pa siya pakakasalan ni Erwan, goodbye na !

Samantala, enjoy-enjoy lang si Solenn sa guest stint niya sa “Adarna.” She plays Ibong Adarna/ Dayana na makaka-love triangle nina Migo at Ada. Mamaya sa “Adarna,” hahalikan ni Agalon si Ada. Magpapaubaya ito, pero saglit lang dahil maaalaala nito si Migo. Gagawing kanang-kamay ni Uwakro si Agalon kapalit ni Garuda. Hihikayatin ni Garuda si Agalon na pumanig sa kanya. Tatanggi ito.

Kakantahan ng Ibong Adarna ng pampatulog si Migo. Ipakikita ni Agalon kay Ada ang ginawa niyang “pugad” para sa kanila sakaling ikasal na sila.

comments