Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derek at direk hindi type ni Alice

Derek at direk hindi type ni Alice

ALICE Dixson

ni Rowena Agilada

NA-SHELVE man ang “The Gift” ni Ogie Alcasid, may kapalit naman ito, ang “Confessions of a Torpe” na isang tawaserye. Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes simula mamayang alas-7 ng gabi sa TV5. Tampok din sina Alice Dixson, Gelli de Belen, Wendell Ramos, Bayani Agbayani, Pilita Corrales, Bibeth Orteza, Jojo Alejar, Shaira Mae, Albie Casino at Mark Neumann. Mula sa direksiyon nina Topel Lee at Soxy Topacio.

Sa presscon, naitanong kay Ogie kung sa totoong buhay ba’y naging torpe siya sa panliligaw? Aniya, noong nanliligaw pa lang siya kay Regine Velasquez ay natotorpe siya kapag kaharap niya ito. “Nahihiwagaan kasi ako sa kanya. Feeling ko, hindi ako nakakatawa sa harap niya,” lahad ni Ogie.

Dahil magkasama sila ni Gelli sa “Confessions of a Torpe,” naungkat ng entertainment writers ’yung isyu noon kina Gelli at Regine. Noong nag-break sina Gelli at Ariel Rivera, for a while ay nagkaroon ng relasyon sina Ariel at Regine. Si Ogie ang naging shoulder to cry on ni Gelli dahil magkaibigan sila.

Nagkabalikan sina Ariel at Gelli hanggang naging mag-asawa na sila. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Joaqui at Julio, 15 and 13 years old, respectively.

Sina Ogie at Regine naman ang nagkatuluyan at meron na silang Nate ngayon. Noong namatay ang daddy ni Regine na si Mang Gerry, dumalaw sa burol nito sina Ariel at Gelli. Looking forward ang fans and supporters nina Ogie at Regine na makasama nila sa isang concert si Ariel. O, pwedeng sina Ogie at Ariel na guest si Regine. O, Regine and Ariel na guest si Ogie.

Hindi type
Sa presscon ng “Confessions of a Torpe,” panay ang bungisngis ni Alice Dixson nang tanungin tungkol sa kanyang love life. Balitang she’s dating dahil single naman siya ngayon. Hiwalay na sila ng non-showbiz husband niyang si Ronnie Miranda na naka-base sa Canada.

Itinanggi ni Alice ang tsikang nagkaroon sila ng “something” ni Derek Ramsay noong nagkatrabaho sila sa “Undercover” at “For Love or Money.” She stressed, hindi ito nanligaw sa kanya. Itinanggi rin ni Alice na nakarelasyon niya ang isang TV director.

Aniya, ang type niya sa isang guy ay mas matangkad sa kanya. Eh, kapos sa height si Derek at ’yung TV director, kaya malabong magustuhan sila ni Alice.

Sa “Confessions of a Torpe,” kapos din sa height si Ogie Alcasid na kapareha niya. Para silang sina Kenkoy at Rosing. Ani Alice, happy siya na kasama siya sa tawaserye na ito. Sort of breather ito sa kanya dahil nasanay siya sa drama series na ginawa niya sa TV5.

Balik-tambalan
Balik-tambalan sina Richard Gomez at Sharon Cuneta sa “Pirated Family” ng TV5. Sobrang nag-enjoy si Sharon sa “Madam Chairman,” kaya happy siya na isa uling tawaserye ang kasunod niyang project sa Kapatid Network. Besides, ang ex-BF pa niyang si Richard ang katrabaho niya sa “Pirated Family.” Masaya sila sa taping at walang awkwardness sa kanila.

After Dawn Zulueta na ex-GF din ni Goma at nagkatrabaho sila sa ginawa nilang teleserye sa ABS-CBN, balik-Sharon naman ngayon si Richard.

By the way, thank you kay Sharon sa ipinadala niyang Hershey’s kisses chocolates bilang Valentine gift. Kahit nakalipas na ang V-Day, nagpahabol pa rin siya. Consistent talaga ang megastar na every year ay hindi siya nakakalimot tuwing Pasko at Araw ng mga Puso.

comments