Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sino’ng kaaway ni Bea?

Sino’ng kaaway ni Bea?

JAKE Vargas and Bea Binene

by Rowena Agilada

NGAYONG nagkaayos na sina Atty. Annette Gozon-Abrogar at Sarah Lahbati, inaabangan naman kung ano’ng project ang ibibigay ng GMA7 kay Sarah. Huli siyang napanood sa “Makapiling Kang Muli” with Richard Gutierrez at may cameo role siya sa “Indio” with Senator Bong Revilla.

Siyempre, masayang-masaya si Richard dahil nagkaayos na ang kanyang girlfriend at si Atty. Annette. Naging open noon ang aktor sa all-out support niya kay Sarah kaugnay ng gulo nito at ni Atty. Annette. Nagpahayag noon si Richard na, come what may, kay Sarah ang suporta niya.

Hindi kaya isa rin sa mga dahilan ni Richard kung bakit hindi siya nag-renew ng kontrata sa Kapuso Netwok ay dahil gusto muna niyang maayos ang gulo between Sarah and Atty. Annette? Now that all’s well between them, baka naman magbago na ang isip ni Richard at gumawa muli ng teleserye sa GMA kung may offer? Nag-guest na siya sa “The Ryzza Mae Show.” Hudyat kaya ’yun na Kapuso pa rin si Richard?

Si Sarah ay nagpahayag na mananatili siyang Kapuso dahil may kontrata pa siya sa GMA Artist Center. Habang hinahanapan pa siya ng project, pinayagan siyang gumawa ng telesine sa TV5.

First time
Pinakabagong obra ng Dreamscape Productions ang “Ikaw Lamang” na tatampukan nina Coco Martin at Kim Chiu. Kasama rin sina Jake Cuenca at Julia Montes. Nagkasama na sina Kim, Coco at Jake sa “Tayong Dalawa,” samantalang sina Coco at Julia ay sa “Walang Hanggan.”

First time magtatambal sa isang teleserye sina Coco at Kim, kaya parehas silang excited. Sana raw ay tangkilikin din ang kanilang screen tandem kahit pa identified na ka-love team ni Kim si Xian Lim matapos buwagin ang love team nina Kim at Gerald Anderson.

Si Gerald ay mapapanood sa “Dyesebel” bilang isa sa dalawang leading men ni Anne Curtis. Hatid din ito ng Dreamscape Productions at malapit na ring mapanood sa ABS-CBN.

Sa “Ikaw Lamang,” childhood friends sina Samuel (Coco) at Isabelle (Kim). Maraming pagsubok ang pagdaraanan nila at ipaglalaban nila sa kani-kanilang pamilya ang kanilang relasyon. Ayon kay Kim, pinaka-challenging role niya ito ever. May kaunting pressure naman kay Coco dahil nanggaling siya sa matagumpay na super hero-seryeng “Juan dela Cruz.” Challenge sa aktor na mapantayan o malampasan pa ng “Ikaw Lamang” ang naitalang rating ng JDC.

Live-in na?
Aware si German Moreno sa mga negatibong nasusulat tungkol sa alaga niyang si Jake Vargas at Bea Binene. Pero cool lang si kuya Germs at ayaw niyang patulan ang intriga sa dalawang Kapuso tweenstars.

May tsikang diumano’y nagli-live-in na sina Jake at Bea. Para namang hindi ito kapani-paniwala. Busog na busog sa pangaral ni kuya Germs si Jake na alagaan at mahalin nito ang trabaho. Ang daming kabataang artista ang naghihintay na mabigyan ng pagkakataon. Sinuwerte si Jake na mabigyan nito dahil kay kuya Germs.

Okey lang kay kuya Germs ang relasyon nina Jake at Bea. Hayaan na lang daw na maging masaya ang mga ito. Sino naman kaya ang taong tinutukoy ni Bea sa kanyang Twitter account? Imbiyerna siya sa taong ’yun at huwag na raw silang idamay sa kung anu-ano’ng kuwento nito. Sino kaya ang kaaway ni Bea?

comments