Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian, Heart nagpapatalbugan

Marian, Heart nagpapatalbugan

MARIAN Rivera

by Rowena Agilada

Paulit-ulit na itinatanggi ni Governor Vilma Santos-Recto na tatakbo siya bilang vice-president sa 2016 elections.Pero pinalulutang pa rin ng ibang kampo na diumano, sila ang magiging running mates ni vice-president Jejomar Binay na kakandidato bilang presidente ng Pilipinas.

Sa mga interbyu kay Gov. Vi, paulit-ulit niyang sinasabi na kahit noon pa man ay wala siyang political plans. Destiny lang na naging mayor siya ng Lipa, Batangas at last term niya ngayon bilang governor.

Nabanggit din ni Gov. Vi na gusto na niyang mag-retire sa pulitika at balikan ang showbiz. Sa isang panayam naman kay Senator Ralph Recto, pinabulaanan niya na magiging running mates sina VP Binay at Gov.Vi. Noong nagpunta raw sa Batangas kamakailan si VP Binay, walang gano’ng napag-usapan ang dalawa. Tungkol sa housing project sa Batangas ang napag-usapan ng mga ito. Balitang kinukunsider ni VP Binay si Senator Jinggoy Estrada para maging running mate.

Nag-joke pa si Senator Ralph na kung tatakbong presidente si Gov. Vi, presidente ng Senior Citizens at ito raw ang pinakamagandang president.

Patalbugan
Mukhang nagpapatalbugan sina Marian Rivera at Heart Evangelista sa paseksihan bilang cover girls ng magkaibang glossy magazines. Si Marian ang cover ng FHM sa March issue nito, samantalang sa Cosmopolitan magazine si Heart.

Hinangaan ng ilang Kapamilya stars ang sexy photos ni Marian sa FHM. Super proud of her ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes. Para na rin sa kanyang mahal na daddy (tawag ni Yanyan kay Dong), kaya kinakarir ng Kapuso Primetime Queen ang pagiging sexy and beautiful as ever.

No doubt na isa si Marian sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Swak ang sub-title na pinakamagandang babae sa mundong ibabaw sa teleserye niyang “Carmela.” Sa owners ng Personal Collection Direct Selling Inc., si Marian ang pinakamaganda. Sa ginawang survey ng mga dealer nationwide, unanimous choice si Marian para mag-endorse ng pinakabagong produkto ng PC, ang fabric conditioners na Premium Fragrances na may tatlong variants. Meron ding homecare, personal care, baby care, health care at apparel na very affordable ang prices.

Sa ginanap na contract-signing, nagpasalamat si Marian sa mga taga- PC people na aniya, nakakataba ng puso na siya ang napiling unang celebrity endorser ng Premium Fragrances. May revelation pa si Marian na siya mismo ang naglalaba ng kanyang underwear at mga damit dahil wala siyang katulong sa bahay. “Dapat marunong maglaba ang isang babae,”saad ni Marian.

Jen or Rachelle Ann?
Noong nakausap namin si Benjamin Alves sa pocket presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng “Adarna,” pangiti-ngiti siya nang tanungin namin kung may crush ba siya o may nata-type-an ba siya sa mga Kapuso actress. Aniya, secret daw

at kanya na lang daw ‘yun para walang intriga.

May natisod kaming tsika na dalawa pala ang natitipuhan ni Benjamin, sina Jennylyn Mercado at Rachelle Ann Go. Magiging magkaribal sila ni Luis Alandy kay Jen sakaling magpursige ito na ligawan ang dalagang ina.

Si Slater Young naman ang makakaagaw ni Benjamin sakaling i-pursue niya si Rachelle. Did we hear it right, gustong sumunod ni Benjamin sa London para panoorin si Rachelle sa Miss Saigon?

Samantala, happy si Jen sa mga papuring natatanggap niya dahil sa performance niya sa “Rhodora X.” Ang galing niya bilang Rhodora na bai-baitan at Roxanne na maldita.Abangan this week ang love scene nina Roxanne at Joaquin (Mark Herras) at kung ano’ng magiging reaction ni Rhodora kapag nalaman niya ang love scene ng dalawa.

comments