Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian-Heart rivalry tumitindi

Marian-Heart rivalry tumitindi

MARIAN Riveraby Rowena Agilada

DEADMA na lang si Marian Rivera sa bagong intriga sa kanila ni Heart Evangelista. Naipost kasi ng huli sa kanyang Instragram account ang magkatabing magazine covers nila ni Marian para sa “Cosmopolitan.” February issue si Marian at March si Heart. Ganito ang caption ni Heart: “One left! Glad you guys got your copy!”

Pinalabas ni Heart na isa na lang ang natirang kopya ng magazine na siya ang cover, samantalang marami pa ang hindi nabibiling kopya ng kay Marian. Dahil du’n, umani ng maraming batikos si Heart mula sa kanyang bashers at kung anu-ano ang ipinost ng mga ito laban sa kanya.

Sa kanyang Twitter account, nag-tweet naman si Heart ng ganito: “I’m kinda kilig with # Got to Believe.” Katapat ng “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw) ang “GTB.”

Mukhang malabo na talagang magkaayos sina Marian at Heart. Nag-deadmahan na rin sila noong nagkita sila sa “Startalk” noong nag-guest si Marian at host si Heart.

Basta si Marian, ayaw niya ng negativity at pawang positivity na lang daw para good karma at marami pang blessings na dumating sa kanya. Aniya, sobrang happy siya sa magagandang nangyayari sa buhay niya, personal man o sa career niya. Sunud-sunod ang offer sa kanya para sa product endorsements. Last week ay pumirma siya ng kontrata bilang unang celebrity endorser ng Sof & Mmmmm fabric conditioner ng Personal Collection.

Mabilis kasi
May paliwanag si Biboy Arboleda ng Dreamscape Entertainment Television kung bakit mauunang ipalabas ang “Ikaw Lamang” na magsisimula mamayang gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.

Tatlong malalaking projects ang inihanda nila at magkasunod ang announcements nila para sa “Sana Bukas Pa ang Kahapon” at “Dyesebel.” Ani Biboy sa presscon ng “Ikaw Lamang,” ipinahayag lang nila sa entertainment press na may bagong teleserye si Bea Alonzo, ito ngang “Sana Bukas Pa ang Kahapon” with Paulo Avelino at si Anne Curtis bilang Dyesebel. Malapit na rin itong mapanood.

Ayon kay Biboy, sa tatlong projects ng Dreamscape, mabilis naka-deliver ng production requirements ang team ng “Ikaw Lamang.” Paspasan ang taping nito, kaya na-beat nito ang deadline. Fast workers daw kasi ang mga direktor nitong sina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

In any case, base sa trailer ng “Ikaw Lamang,” mukhang kaabang-abang ang pinakabagong primetime teleseryeng ito ng Kapamilya Network. Powerhouse cast ito at unang pagtatambal nina Kim Chiu at Coco Martin.

Boto kay Elmo
Mamayang gabi na rin ang simula ng “Kambal Sirena” sa GMA Telebabad. Kasama sa cast si Lotlot de Leon na gumaganap bilang Susanna, ang overprotective mother ni Kevin (Aljur Abrenica). Blooming ngayon si Lotlot at hindi naman niya itinanggi noong presscon ng KS na may boyfriend siya. Taga-Dubai ito at Fredd Original ang pangalan. Ani Lotlot, kahawig ito ng ex-husband niyang si Ramon Christopher. Hindi kaya kapag magkasama sila ng kanyang BF ay si Monching ang nakikita ni Lotlot? Joke!

Ayon kay Lotlot, nagkakilala sila ng kanyang BF thru common friends. Dito sila sa Pilipinas nagkakilala. One year na sila together, pero wala pa silang planong magpakasal kahit annulled na ang kasal nila ni Monching. Enjoy-enjoy lang muna sila sa company ng isa’t isa. Kasundo naman daw ng mga anak nila ni Monching ang BF niya, ayon kay Lotlot.

Kumusta naman ang anak niyang si Janine na balitang ka-“somethingan” ni Elmo Magalona? Hindi raw niya alam kung may relasyon na ang dalawa, ani Lotlot. Ngumingiti lang daw kasi si Janine kapag tinatanong niya ito kung “sila” na ba ni Elmo. Just in case, boto naman siya kay Elmo kung boyfriend (o, magiging BF) ito ni Janine.

comments