Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis at Angel swerte sa isa’t isa

Luis at Angel swerte sa isa’t isa

Angel Locsin and Luis Manzano

by Rowena Agilada

MARAMI ang nagsasabing suwerte si Angel Locsin kay Luis Manzano kapag nagkatuluyan sila bilang mag-asawa. Good catch ang TV host part-time actor cum businessman. Close to 100 na ang taxi units ni Luis (LGB) kasosyo ang dalawang non-showbiz friends at si Kris Aquino.

May sarili na ring bahay si Luis sa GreenMeadows. Ito ’yung dating house ng kanyang mommy (Governor Vilma Santos-Recto) na ibinigay (o ipinamana) na sa kanya. Mukhang responsible at magiging good provider si Luis kapag nagkaroon na siya ng sariling pamilya.

Lucky din naman si Luis kay Angel. May mga naipundar na rin itong properties, ayon sa isang close friend-reporter (CFR) ng aktres. May lupain ito sa Batangas at may beach resort sa Boracay. Magkatabi ang dalawang bahay ni Angel somewhere in QC na ’yung isa’y for her family (daddy and siblings) at ’yung isa’y para sa kanya. May expensive cars din ang aktres, tsika pa ng CFR nito.

“Pareho silang masuwerte sa isa’t isa. Pareho silang masipag sa kanilang trabaho,” sabi ng kausap naming CFR ni Angel. Tsika pa nito, gustong mag-aral ni Angel bago ito mag-asawa. Mahilig daw ang aktres sa History at naghahanap ito ng related course na pag-aaralan. Gusto lang siguro ni Angel na may maipagmalaki ring course dahil ang BF niyang si Luis ay HRM (Hotel & Restaurant Management) graduate sa De La Salle University.

Pikon
Mabuti pa si Jennylyn Mercado, hindi napipikon kapag tinatanong siya tungkol sa balikan ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano at Angel Locsin. Ani Jen, four months na silang split ni Luis at naka-move on na siya. “Out na ako sa balikan issue nila. Ayoko nang mag-comment,” nakangiti pang sabi ng “Rhodora X” star.

Pero si Mark Herras na katrabho ni Jen sa “Rhodora X,” pikon at nagmaasim nang may naglabas ng picture ng anak niyang si Ada sa social media. “Wala kayong pakialam!” iritang sabi ni Mark on national TV. Aniya, ang ina lang daw ng anak niya ang may karapatan kung kailan nila gustong ilabas ang larawan ng kanilang anak.

Ayon pa kay Mark, in less than two months ay pabibinyagan na nila ang kanilang anak. Akala ba namin, ipinagmamalaki ni Mark ang kanyang three-month-old baby? Bakit nag-overreact siya nang may naglabas ng picture nito sa social media? ’Yung ibang artista, kapapanganak pa lang ng kanilang baby, ibinabalandra na on national TV.

Anyway, mamaya sa “Rhodora X,” ipinaalam ni Roxanne kay Angela na umalis na si Joaquin. Mula kay Dr. Ferds (Ervic Vijandre) nalaman nina Derrick at Lourdes na patay na si Dra. Vivian (Irma Adlawan). Sa burol nito, lihim na nagdiwang si Roxanne.

Nagdududa na si Derrick sa inconsistencies ni Rhodora sa mga sagot nito nang tanungin niya tungkol sa pagkamatay ni Trishia. Kinuha ni Rhodora ang duguang panyo sa kuwarto ni Derrick para wala nang ebidensiya.

Herbert C.

New album
Masaya ang baguhang singer na si Herbert C. dahil isa sa mga most requested songs na pinapatugtog sa radyo ay ang kanta niyang “P’ano ’Yon?” na carrier single ng kanyang debut album, “Kinabukasan.” Prodyus ito ni Ms. Margot Gallardo at ang sumulat naman ng mga kantang nakapaloob sa album ay si Ms. Edith Gallardo. Distributed by Ivory Records at available na sa mga record bars nationwide.

Other songs included are “Ikaw ang Pag-ibig,” “Akala Mo Lang,” “Doon Lang” and 5 minus-one tracks.

Bukod sa pagiging singer, aktibo rin si Herbert sa charity work.

comments