Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vice, KC, parehong absentee awardees

Vice, KC, parehong absentee awardees

LADYLYN Riva
by Rowena Agilada

PAREHONG wala sina Vice Ganda at KC Concepcion noong PMPC Star Awards Night for Movies. Si Vice ang nanalong Movie Actor of the Year for “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” at si KC ang Movie Actress of the Year for “Shoot to Kill: Boy Golden.” As always, maintriga na naman ang katatapos na PMPC Star Awards for Movies. May mga kumukuwestiyon kung bakit daw si Vice Ganda ang nanalo? Nasa US pa siya para sa ginagawang series of shows, kaya hindi pa siya mahingan ng reaction.

Nag-aaral naman si KC sa US. Nakabawi siya this time sa panalo niya bilang Movie Actress of the Year. Natalo siya ni Maricel Soriano (“Girl, Boy, Bakla, Tomboy”) for best actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Pero hindi nominated ang Diamond Star sa PMPC Star Awards for Movies.

Talking about Vice Ganda, naaliw kami sa “Gandang Gabi Vice” noong Linggo (March 9) kung saan guest si Senator Antonio Trillanes. First time namin siyang nakitang todo-ngiti. Dagdag pogi points at appeal ’yun sa kanya. Game sinagot ni Sen. Trillanes ang mga tanong sa kanya ni VG. Tinanong siya kung sino sa mga naging presidente ng Pilipinas ang ayaw niya. Si GMA (Gloria Macapagal-Arroyo) ang sagot ng senador dahil ipinakulong siya nito. Ayaw naman niyang maging presidente si Senator Juan Ponce Enrile.

Nang papiliin siya ni VG kung sino kina Janet Napoles, Gloria Macapagal-Arroyo at Senator Miriam Santiago ang gusto niyang makasama, itong huli ang sinabi ni Sen. Trillanes dahil matalino ito at marami siyang matututunan.

Nang tanungin siya ni VG kung nakailang girlfriend na siya, close to ten ang naging GF’s niya, ayon kay Sen. Trillanes. Aniya pa, hindi na siya virgin when he was 23 years old. He lost his virginity to a younger girl, around 16 or 17 years old then. Ayon pa kay Sen. Trillanes, noong sundalo pa siya, sabay-sabay silang naliligo ng mga kapuwa sundalo niya. Sinabi rin niyang may mga baklang sundalo na ’yung isa’y naging general pa.

Sakaling isasapelikula ang buhay niya, si Jericho Rosales daw ang gusto niyang gumanap sa karakter niya. Ni-reveal din ni Sen. Trillanes na malaki ang paghanga niya kay Jennylyn Mercado.

Huwag sasaktan
Ano kayang reaction ni Maja Salvador sa sinabi ng mommy ni Gerald Anderson via phone patch interview sa “Buzz ng Bayan” na huwag niyang sasaktan si Gerald at ingatan niya ito? May agam-agam kaya ang mommy ni Gerald sa namamagitang relasyon nito at ni Maja?

Just curious kung meron kayang picture (o pictures) ni Maja sa bahay ng mommy ni Gerald sa GenSan? Napanood namin sa isang TV show noon na merong pictures ni Kim Chiu sa house ng mommy ni Gerald kahit break na sila that time. Curious kami, ’andoon pa rin kaya ang pictures ni Kim?

Lola’s girl
Laki sa kanyang lolo’t lola ang Bb. Pilipinas candidate No. 39 na si Ladylyn Riva from Aklan. Ang lola niya ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya. Noong bata pa siya, nag-asawa sa isang Italyano ang kanyang biological mom at nanirahan na sa Italy.

Sa tulong ng isang tiyahin ay nakapagtapos ng pag-aaral si Lady sa kursong B.S. Nursing sa Kalibo, Aklan. Nagtrabaho siya sa Aklan Mission Hospital ng isang taon.

Bago namatay ang kanyang lola, six years ago, ipinagtapat nito sa kanyang hindi ang Italyanong asawa ng kanyang ina ang tunay niyang ama.

Sumali na si Lady sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant in 2011, pero hanggang semi-final round lang siya. Ipinagdarasal niyang sana’y mapasama siya this year sa Top 5 finalists.

comments