Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Antoinette gustong magbalik-showbiz

Antoinette gustong magbalik-showbiz

Antoinette Tausby Rowena Agilada

NANDITO pa sa Pilipinas si Antoinette Taus at nag-guest siya sa “ASAP” last Sunday (March 16). A month ago or so pa siya dumating para magbakasyon.

Gustong magbalik-showbiz ni Antoinette at given a chance, willing siyang makatrabaho ang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes. Sayang at hindi sa “SAS” (Sunday All Stars) nag-guest si Antoinette. Nagkita sana sila ni Dingdong dahil guest judge ito sa pasiklaban ng apat na grupo ng performers.

Gusto ring makita at makilala ni Antoinette ang current GF ni Dingdong na si Marian Rivera. Gusto ring makatrabaho ni Antoinette ang Kapuso Primetime Queen.

Sa isang interbyu kay Marian, sinabi niyang gusto rin niyang makita at makilala si Antoinette. Wala rin daw problema kung magkatrabaho sila. Isama na rin kaya si Dingdong para together sila sa isang project? Masaya ‘yun!

Ano kaya kung i-guest si Antoinette sa “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw )? O di kaya sa bagong teleserye ni Dingdong na “Ang Dalawang Mrs. Real”?

MARIAN Rivera

Nagmaldita?
May bago na namang intriga kay Marian Rivera. How true, pinatanggal niya diumano ang isang staff sa Balesin Island resort sa Quezon? From what we gathered, nagalit diumano si Marian sa naturang staff dahil kinunan daw nito ng picture si Dingdong without his knowledge habang nagsu-swimming ito na naka-swimming trunks at lantad ang mala-Adonis na katawan ng Kapuso Primetime King.

Ganoon na ba ka-powerful si Marian para magpatanggal ng isang tauhan sa naturang resort-hotel? Baka naman, sinisiraan lang si Marian kaya may kung sino ang nagpakanang ikalat ‘yun?

Diumano’y nangyari raw ‘yun noong nakaraang Valentine’s Day kung saan magkasamang nagcelebrate sina Dingdong at Marian sa Balesin Island. Last February pa ‘yun pero bakit ngayon lang nabalita ‘yun?

Wedding singer
ZSA Zsa PadillaMommy na ang tawag ni Yael Yuson sa soon-to-be mother-in-law niyang si Zsa Zsa Padilla. Nagkita ang dalawa noong nag-guest si Yael sa “ASAP” last Sunday. ‘Andoon din si Karylle at kumanta pa ang soon-to-be Mr. and Mrs. Yael Yuson.

Ilang araw na lang at ikakasal na sina Yael at Karylle. Tatlo ang wedding gowns niya. Isa’y regalo ng kanyang mommy Zsa Zsa na galing pa abroad. ‘Yung isa’y gawa naman ni Francis Libiran at ‘yung isa pa’y likha ni Pepsi Herrera. Si Francis Libiran ang gumawa ng isusuot ni Yael.

Si Zsa Zsa ang wedding singer. Hindi kaya siya maiyak sa big event ng kanyang eldest daughter? Sa
mga interbyu noon kay Zsa Zsa, sinasabi niyang naiinggit siya kay Lorna Tolentino dahil may apo na ito. Gusto ni Zsa Zsa na mabigyan na siya agad ng apo ni Karylle at excited na siyang maging lola.

Samantala, mapapanood si Zsa Zsa sa “Dyesebel” kung saan kontrabida na naman siya. Aniya, she doesn’t mind kahit kagagaling lang niya sa isang bad character sa “Juan dela Cruz.”

“I’m more passionate in acting now. Okey ang kontrabida role dahil mas na-e-explore ko ang talent ko. Lie-low muna ako sa singing since nawala si Dolphy. Parang hindi ko pa kaya mag-concert dahil maiiyak
lang ako,” words to that effect na saad ni ZsaZsa noong presscon.

Nagsimula na kagabi ang “Dyesebel” sa ABS-CBN Primetime Bida.

comments
  • Max

    marian’s never gonna be half the woman antoinette is.

  • Eric Navaja

    korek! layo ni Marian kay Antoinette..