Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur galit

Aljur galit

Aljur, Geoff and Alwyn

by Rowena Agilada

GALIT siya sa sitwasyon at sana raw ay kaunting respeto naman. Marunong daw siyang mag-handle ng relasyon. ’Yan ang makahulugang pahayag ni Aljur Abrenica sa interbyu sa kanya sa “Startalk.” Kaugnay ’yun ng balitang diumano’y nahulog ang loob ni Geoff Eigenmann kay Kylie Padilla noong nagkasama sila sa katatapos na fantaseryeng “Adarna.”

Halatang pigil na pigil si Aljur sa kung ano pa man ang gusto niyang sabihin. Hindi siya nag-deny, hindi niya inamin ang balitang diumano’y tinapik niya sa balikat si Geoff noong nagkita sila sa “SAS” (Sunday All Stars) a few weeks ago. Ani Aljur, huwag na raw pag-usapan at tapos na ’yun.

Kasalukuyang nagbabakasyon si Kylie sa Australia, kaya hindi siya mahingan ng pahayag tungkol sa isyu. Pero ayon kay Aljur, okey ang relasyon nila. Galit lang siya sa sitwasyon na ayaw naman niyang mag-elaborate.

As of presstime, wala pang pahayag si Geoff. Ayon sa manager niyang si Perry Lansigan, saka na lang ito magsasalita.

Cool lang
Ang girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana ay mukhang cool lang sa sitwasyon. Aniya, hindi niya pinagselosan si Kylie. Matatanda na raw sila ni Geoff para sa selosan factor. Hindi rin daw niya nabalitaan ’yung tungkol sa BF niya at kay Kylie.

Inamin ni Carla, paulit-ulit ang problema sa relasyon nila ni Geoff. Pero sinusubukan nilang maayos ito dahil sayang daw ang tatlong taong pinagsamahan nila kung mauuwi sa wala.

Ang natatandaan naming sabi ni Geoff noong nakausap namin siya sa pocket presscon ng “Adarna” para sa nalalapit na pagtatapos nito, malaki ang respeto niya kay Aljur. Tinanong kasi si Geoff kung hindi ba siya na-in love o na-develop kay Kylie kahit pareho na silang “taken”? Sabi ni Geoff, ayaw niyang makasira sa isang relasyon. Masaya siya with Carla at alam niyang masaya rin si Kylie with Aljur. Pero bakit may mga intriguing posts si Geoff sa kanyang Instagram account patungkol sa isang relasyon?

Changed man
Changed man na raw siya ngayon, ayon kay Bernard Palanca sa isang TV interview. Good influence raw sa kanya ang current girlfriend niyang si Jericka (o Ericka) Ejercito, anak ni mayor Joseph Estrada sa former actress na si Laarni Enriquez. Kapatid ni Ericka si Jake Ejercito na rumored boyfriend ni Andi Eigenmann.

Pregnant ang GF ni Bernard at baby boy ang isisilang nito a few months from now. Second child ito ni Bernard; boy rin ang anak niya sa ex-wife niyang si Meryll Soriano.

Ayon kay Bernard, hindi pa niya nakikilala in person si Mayor Joseph. Pakakasalan daw niya si Ericka kapag nakuha na niya ang blessing ng pamilya nito.

Kung tama ang pagkakatanda namin, sa munisipyo ng San Juan ikinasal sina Bernard at Meryll sa isang civil rites. Kung tama rin kami, si Mayor JV Ejercito (na senador na ngayon) ang nagkasal sa kanila. Ang tadhana nga naman, ngayon ay ang half-sibling ni Senator JV ang GF ni Bernard.

Bida na
Bida na rin si Alwyn Uytingco at ilo-launch siya sa “Beki Boxer” ng TV5. Isang bading na gustong maging sikat na boksingero ang role ni Alwyn.

Hindi na bago sa kanya ang gay role dahil ganito ang karakter niya sa “Ang Tanging Ina” movie series na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas. Isa si Alwyin sa maraming anak ng Comey Queen sa nasabing pelikula.

Hindi isyu kay Alwyn kung second choice lang siya sa “Beki Boxer.” Original choice si Martin Escudero. Pero nagbago ang desisyon ng management at binigyan ng ibang project si Martin, ang “Obssesion” na napapanood every Thursday.

Si Martin ang ex-boyfriend ni Jennica Garcia na girlfriend ngayon ni Alwyn. Ikonek ba talaga ang tatlo? Anyway, kasama sa “Beki Boxer” sina Christian Vasquez, Joross Gamboa, John Regal at Onyok Velasco.

comments