Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Cholo ayaw makialam sa away ng Barretto sisters

Cholo ayaw makialam sa away ng Barretto sisters

by Rowena Agilada

CHOLO BarrettoNAKAUSAP namin si Cholo Barretto sa set ng “Beki Boxer” sa Binangonan, Rizal at kinumusta namin ang relasyon niya sa kanyang mga tita Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto. Anak si Cholo ng isang kapatid ng mga ito.

Ani Cholo, okey naman at mababait ang mga tita niya. Ayaw niyang makialam sa isyu ng mga ito. “Matanda sila sa akin. Kung hindi rin lang ako makakatulong, huwag na lang ako magsalita. Ipinagdarasal ko na lang na sana’y matapos na ang awayan nila,” saad ni Cholo.

Okey naman daw ang kanyang lolo Mike at lola Inday (parents ng Barretto sisters). “They’re strong. Basta ’andito lang kaming mga apo nila na nagmamahal at parating nakasuporta sa kanila,” ani Cholo.

Gumaganap siya bilang kapatid ni Alwyn Uytingco sa “Beki Boxer” at thankful si Cholo sa TV5 na isinama siya sa primetime dramedy series na ito na mapapanood simula sa March 31, 7 to 7:30 p.m.

Dating Star Magic talent ng ABS-CBN si Cholo. Una siyang lumabas sa youth-oriented show, “Berks” 10 years ago. At 28, single pa rin si Cholo at aniya, naka-8 girlfriends na siya (non-showbiz lahat). Six years ang pinakamatagal na relasyon niya.

Sa Kapatid stars, nagagandahan siya kay Ritz Azul. Nakita lang daw niya ang mukha nito sa t-shirt ng isang production staff. Cholo is looking forward to seeing and meeting her in person. Given a chance, gusto niyang makatrabaho sa isang TV project si Ritz.

CANDY PangilinanNagsusulat ng libro
Katulong ang isang doktor, nagsusulat si Candy Pangilinan ng isang libro tungkol sa autism. May special child siya, kaya na-inspire si Candy magsulat ng libro na tatalakay sa journey ng isang special child.

Ten years old na ang anak ni Candy na si Quentin na may autism. Ani Candy, seven months old lang ito noong napansin niyang nababanlag, naduduling ito, kaya pinatingnan niya sa doktor. Pinagsalamin ito hanggang 3 years old ang bagets.

Napansin din ni Candy na kakaiba kung mag-tantrums ang kanyang anak. Inuumpog ang ulo nito sa dingding. Pero hindi ito nakakaramdam ng sakit kahit nagkakabukol.

Pinatingnan niya sa iba’t ibang doktor ang kanyang anak at iisa ang diagnose, may autism ito. Pina-therapy niya ito at sumailalim sa iba’t ibang proseso ng mahabang gamutan. “Na-rule out na ang autism ng anak ko. Patuloy pa rin ang therapy sessions niya. Nakakapagsalita na siya. Nag-aaral na siya sa isang regular school. Pero may special school pa rin siyang pinapasukan,” lahad ni Candy.

Hiwalay sa kanyang non-showbiz husband si Candy at aniya, gusto niyang mag-file ng child support para sa kanilang anak dahil hindi niya kayang gastusan mag-isa ang mga pangangailangan sa patuloy na pagpapagamot sa kanyang anak.

Kasama si Candy sa cast ng “Beki Boxer” kung saan gumaganap siya bilang nanay nina Alwyn Uytingco at Cholo Barretto. Asawa niya si Christian Vasquez. Tampok din sina Danita Paner, Vin Abrenica, Onyok Velasco, Joross Gamboa.

And more
Mamaya sa “Obsession” sa TV5, sasabihin na ni Vanessa (Bianca King) sa kanyang ina (Maureen Mauricio) na siya si Bernadette (Neri Naig) at sumailalim siya sa isang cosmetic surgery procedure na kagagawan ni Ramon (Marvin Agustin.) Ipagtatapat nito kay James (Martin Escudero) na si Vanessa at Bernadette ay iisa. Ipapakita niya ang video ng surgery procedure. Pagpaplanuhan ni Ramon na ilipat ang mukha ni James sa kanya.

Sa “Rhodora X” (GMA7), papaigting nang papaigting ang mga kaganapan. Sinugatan ni Roxanne (Jennylyn Mercado) sa mukha si Angela (Yasmien Kurdi) at inamin niyang lahat ng ginawa niya laban dito. Nalaman na rin ni Angela na si Joaquin (Mark Herras) ang ama ng anak ni Rhodora/Roxanne.

Inakala naman nina Derrick at Lourdes na patay na si Angela dahil sa ulat na tumalon siya sa bangin noong tumakas siya.

comments