Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bianca engaged to JC

Bianca engaged to JC

LOVI Poe

by Rowena Agilada

ENGAGED na rin si Bianca Gonzales sa boyfriend niyang basketball player na si JC Intal. ’Kakilig ang ginawa nitong marriage proposal kay Bianca sa NAIA terminal 2 bago umalis papuntang London ang dalaga.

Si JC ang ex-boyfriend ni Carla Abellana na girlfriend ngayon ni Geoff Eigenmann. Kailan naman kaya magiging officially engaged sina Carla at Geoff? Birthday bukas ni Geoff at tiniyak ni Carla na pupunta siya sa celebration nito with his family and friends.

Ayaw paapekto ni Carla sa isyung diumano’y pinormahan ni Geoff si Kylie Padilla na girlfriend ni Aljur Abrenica. Aniya, never niyang tinanong si Geoff tungkol du’n. Inamin ni Carla na nagkakaproblema sila sa kanilang relasyon. Pero sinisikap nilang maayos.

Birthday boy
Sa Lunes (March 24) naman ang birthday ni Aljur Abrenica. Nasa Australia si Kylie Padilla, kaya hindi sila magkasama. For sure naman, babatiin siya ng kanyang GF. Sa modern technology ngayon, maraming paraan ng communication.

Taping day ng “Kambal Sirena,” kaya baka sa set na lang siya mag-celebrate ng kanyang birthday, ayon kay Aljur. Pagdating ni Kylie at saka na lang sila magse-celebrate ng kanyang birthday. Next month ang balik ni Kylie sa Pilipinas.

Uso
Mukhang taon ngayon ng engagement at kasalan sa showbiz personalities. Engaged na rin si Denise Laurel sa non-showbiz boyfriend niyang si Sol Mercado. Tanggap nito ang 2-year-old son ni Denise sa isang previous relationship.

Naunang ikinasal sina Drew Arellano at Iya Villania last January. Sumunod sina Karylle at Yael Yuson ngayong March. Next sina Jericho Rosales at Kim Jones sa May. Sa June naman sina Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo. By the way, mapapanood si Ms. Roa sa “Pinoy MD” sa GMA7 ngayong 6:30 a.m. Ibabahagi niya ang kanyang healthy lifestyle sa “Healthy si Idol” segment.

Sa November naman ang garden wedding ni Joross Gamboa sa kanyang non-showbiz GF. Sa Fernbrook, Alabang ang venue. Busy-bisihan muna si Joross sa taping ng “Beki Boxer” kung saan gay friend siya ni Alwyn Uytingco. Sa March 30 na ang pilot telecast nito sa TV5.

Ayaw aminin
Tumigil na si Jake Cuenca sa panliligaw kay Jessy Mendiola. Gano’n din si Sam Milby. Si Matteo Guidicelli, hindi rin nag-pursue sa panliligaw kay Jessy. Nakanino kaya ang problema? Kay Jessy o sa tatlong Kapamilya actors?

Sa isang interbyu kay Jake, parang ipinahiwatig niyang may special place pa rin sa puso niya si Lovi Poe. Bagaman inamin ni Jake sa past interviews sa kanya na naging “sila” ni Lovi, never namang umamin ang huli.

Maski si Rocco Nacino, ayaw aminin ni Lovi na may something special na namamagitan ngayon between them. Magbabakasyon si Lovi sa Europe sa Holy Week with her mom at gustong sumama ni Rocco.

By the way, mapapanood si Lovi ngayong Sabado sa “Magpakailanman.” Pinamagatang “The Psychotic Husband,” tampok din sa nasabing episode sina Gabby Eigenmann at Alessandra de Rossi. Sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes, masusubukan na naman ang galing ni Gabby sa pag-atake sa kakaibang role. Si Alessandra ang kanyang first wife at second wife si Lovi. Tutok lang sa “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.

comments