Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mga boys napapatayo sa kaseksihan ni Ellen

Mga boys napapatayo sa kaseksihan ni Ellen

JC de Vera with Ellen Adarna and Meg Imperial

JC de Vera with Ellen Adarna and Meg Imperial

ni Rowena Agilada

NAKIKITA ni JC de Vera kay Meg Imperial ang ex-girlfriend niyang si Danita Paner. Magkahawig kasi ang dalawa. Magkatambal for the first time sina JC at Meg sa “Moon of Desire (MOD),” pinakabagong serye na mapapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN simula sa March 31.

Nagkatrabaho na sina JC at Meg sa ilang programa ng TV5 noong pareho pa silang Kapatid stars. Ani JC, wala nang masyadong adjustments sa working relationship nila ni Meg sa MOD. May mga sensual scenes sila, pero hindi pa nakukunan ang love scene nila ni Meg, ayon kay JC.

Ang nakunan pa lang ay ’yung pareho silang topless na naka-underwear lang si Meg at naka-boxer shorts naman siya, ayon kay JC. Very virginal at innocent ang tingin niya kay Meg. Isang dermatologist ang role ni JC sa MOD.

Dahil may sexy scenes siya sa MOD, kadalasan ay hindi siya kumakain sa set, ayon kay JC. Hindi na kasi siya nakakapag-workout regularly dahil sobrang busy siya sa taping ng dalawang show, “The Legal Wife” every Monday, Wednesday at Friday at “Moon of Desire,” Tuesdays, Thursdays, Saturdays.

Dusa
Isang babaeng may sakit na hypertrichosis o hindi normal na pagtubo ng maraming buhok sa katawan ang role ni Meg Imperial sa “Moon of Desire.” Aniya, hirap siya sa inilalagay na prosthetics. Ang tagal ikabit at tanggalin, kaya dusa siya, ayon kay Meg.

Hirap din daw siya sa iba’t ibang klaseng emosyon na ipinapakita niya sa MOD na aniya’y malaking challenge sa kanya. Paseksi rin siya rito, “Pero hindi malandi ang dating. Mahirap, pero kinakaya ko,” saad ni Meg.

Aniya pa, talagang nag-e-effort siya sa pagda-diet para makasabay siya sa kaseksihan nina Ellen Adarna at Beauty Gonzales na co-stars niya sa MOD.

Nailang
Isang photographer ang role ni Dominic Roque sa “Moon of Desire” na mai-in love kay Meg Imperial (as Ayla). Mamahalin niya ito sa tunay at mabuhok nitong anyo.

May kissing scene sina Meg at Dominic at anang huli, nailang siya. Hindi siya komportable dahil mabuhok ang dalaga, “Habang nagti-take kami, inisip ko na lang, mahal ko ang babaeng ito. Challenge for me ang role na ipinagkatiwala sa akin,” sambit ni Dominic. Sobrang thankful siya sa ABS-CBN sa ibinigay na pagkakataon sa kanya na maging bahagi ng MOD.

May K din
Hindi nagpatalbog si Beauty Gonzales kay Ellen Adarna sa sexy scenes nila sa “Moon of Desire.” Nag-two-piece swimwear si Beauty na aniya’y ipinagdasal pa niya. “If you insist, I can not resist,” ani Beauty.

May K (karapatan) naman si Beauty na i-display ang kanyang sexy body. If you have it, flaunt it. Talagang kinarir niya ang pagpapapayat. Noong nasa PBB (“Pinoy Big Brother”) house pa siya, chubby si Beauty.

Obserbasyon lang ng ilang mapanuring entertainment writers noong presscon ng MOD, kapag nagsasalita si Ellen ay nakaismid daw si Beauty. Si Ellen kasi ang naging paboritong tanungin ng press. Si Ellen din ang sinabihan ni JC de Vera na kapag dumarating ito sa set ay nagtatayuan silang mga lalaki at lahat sila’y napapatingin kay Ellen. Sobrang lakas kasi ng dating ni Ellen. Sabi pa ng isang entertainment writer, woman of the world si Ellen. Kahit hindi katangkaran, oozing ito with sex appeal.

comments