Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bistek, secret boyfriend ni Kris?

Bistek, secret boyfriend ni Kris?

Mayor Herbert Bautista

by Rowena Agilada

SI QC Mayor Herbert Bautista ang diumano’y secret boyfriend ni Kris Aquino. Totoo naman kaya? Mukhang mahilig si Kris sa mayor. Remember, naging BF niya si Joey Marquez na ex-mayor ng Paranaque.

A few weeks ago, sa isang governor ng Bataan na-link si Kris. Then, kay Daniel Matsunaga noong nag-guest ito sa “Kris TV.” And now, the loudest whisper, kay Bistek (Mayor Herbert) naman. Nag-guest si HB sa “Aquino and Abunda Show.” Could it be after his guesting du’n nagsimula?

Whatever! Curious lang kami kung ano kaya’ng reaction ni Ms. Tathess Gana, ang unofficial first lady ng QC? Mayora ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niyang showbiz reporters. Love na love si Ms. Tathess ng entertainment press dahil very accommodating siya, madaling lapitan ng mga nangangailangan ng tulong.

May dalawang anak si Bistek kay Ms. Tathess, sina Athena at Harvey. Itong huli’y napapanood sa “Goin’ Bulilit.” May anak din si Bistek sa isa pang babae na konektado noon sa isang TV network na may-ari ngayon ng isang restaurant somewhere in QC.

Carla Abellana (Tempo)Di raw sinadya
Isyu ang hindi pagbanggit ni Carla Abellana ng pangalan ni Geoff Eigenmann sa kanyang acceptance speech noong nanalo siya bilang Outstanding Actress in a Drama Series (“My Husband’s Lover”) sa nakaraang Golden Screen Awards for TV. Ani Carla, hindi niya sinadya o nakalimutan niyang banggitin si Geoff. Alam daw ng Kapuso actor na bahagi ito ng kanyang success sa showbiz, saad ni Carla.

Pero komento ng ibang tao, mas maganda sana kung binanggit ni Carla ang pangalan ni Geoff. Someone dear and special to her, ’yun pa ang hindi niya (Carla) binanggit. May haka-haka tuloy na hindi pa talaga naaayos kung anuman ang problema sa relasyon nina Geoff at Carla.

Hindi rin nagustuhan ng ibang tao ang patutsada ni Carla kay Aljur Abrenica na ginagamit lang nito si Geoff para sa promotion ng “Kambal Sirena.” Bahkit? Hindi naman kasama sa cast si Geoff. Si Louise delos Reyes ang katambal ni Aljur sa KS, hindi si Kylie Padilla. Di ba dapat, sina Aljur at Louise ang magkaroon ng “isyu” para mag-react ang BF nitong si Enzo Pineda?

Maagaw kaya?
Naging boyfriend din pala ni Ellen Adarna ang basketbolistang si JC Intal na fiance ni Bianca Gonzales. Ex-BF din ito ni Carla Abellana. Ayon kay Ellen, short-lived lang ang naging relasyon nila ni JC. That was four years ago at six months lang sila together. Huwag na raw pag-usapan ’yung past nila ni JC dahil engaged na ito at ikakasal na. ’Heard, sa November this year ang wedding nina JC at Bianca.

May non-showbiz BF si Ellen at okey ang kanilang relasyon. Nang tanungin siya sa presscon ng “Moon of Desire” na kung sakali bang ligawan siya ni JC de Vera (uy! parehong JC ang first names), posible kayang sagutin niya ito? Paduda ang sagot ni Ellen na bulong tuloy ng katabi naming entertainment writer, malamang daw maagaw ni JC si Ellen sa BF nito. Well, tingnan natin.

Sa passionate love scene nga nila sa “Moon of Desire,” bigay-todo si Ellen dahil aniya, guwapo at desirable si JC. ’Yun na! Si Ellen ang ka-love triangle nina JC at Meg Imperial sa “Moon of Desire” na mapapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN simula sa March 31 pagkatapos ng “It’s Showtime.”

comments