Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ellen Adarna willing to go all the way

Ellen Adarna willing to go all the way

ELLEN Adarna

by Rowena Agilada

ANG lakas talaga ng dating ni Ellen Adarna sa opposite sex. On national TV, sinabi ni Enrique Gil na crush niya si Ellen.

Natatandaan pa namin, sa interbyu kay Enrique noong kasagsagan ng promotion ng pelikulang “She’s the One,” si Lisa Soberano ang apple of his eye. Sinabi pa niyang handa siyang maghintay mag-18 years old si Lisa at saka niya ito liligawan. Hindi kaya pang-promo lang ’yun ni Enrique? Lisa just turned 16 in January this year.

Naging girlfriend naman ni Enrique si Coleen Garcia when she was 16 years old. Si Billy Crawford ang boyfriend ngayon ni Coleen.

Julia Barretto is 17 years old na kasama ni Enrique sa “Mirabella.” Hindi kaya ma-attract din sa kanya si Enrique? Take note, mahilig siya sa 16, 17-year old girls. Ellen Adarna is 25 years old, kaya baka hanggang crush lang sa kanya si Enrique who’s 21 years old.

Di makikipagkumpitensiya
Handa si Ellen Adarna mag-all the way sa sexy and daring role kung kinakailangan. Aniya, okey sa kanyang maghubad at magpakita ng kanyang katawan kung maganda ang project.

Kabaligtaran naman siya ni Meg Imperial na nagsabing pwede siyang magpa-sexy na hindi niya kailangang maghubad. Magkasama ang dalawa sa “Moon of Desire” (MOD) kung saan may sexy scenes sila.

Ani Meg, hindi siya makikipagkumpitensiya kay Ellen sa paseksihan. Mas gusto niyang mapansin ang acting niya at ’yun ang kakaririn niya. Sobrang thankful siya sa ABS-CBN sa big break ever na ibinigay sa kanya para mag-bida sa MOD.

Sa “Galema,” supporting role lang si Meg. Du’n napansin ang maganda niyang performance, kaya pinagkatiwalaan siyang mag-lead role sa MOD kung saan isang sikat na radio DJ ng programang “Moon of Desire” ang role niya. Mapapanood ito simula sa March 31 sa ABS-CBN’s Kapamilya Gold pagkatapos ng “It’s Showtime.”

MARVIN Agustin

Baliw-baliwan
Hindi nanonood ng “Obsession” ang mommy ni Marvin Agustin. Naiinis daw kasi ito sa kanyang bad character bilang Dr. Ramon Mendoza. Baliw-baliwan si Marvin at joke niya, parang outlet niya ’yun para mailabas ang galit niya. “Ang sarap laruin ng karakter ko,” he said nang nakausap namin sa bago niyang restaurant, Boquiera sa SM Megamall Fashion Hall.

First time niyang katrabaho si Bianca King sa isang teleserye na akala niya’y suplada dahil mestisa ito. “I like working with her. She’s very hardworking, professional at seryoso sa trabaho. Gusto ko ang work ethics ni Bianca,” saad ni Marvin.

Marami pang pasabog ng mga tagpong aabangan sa huling apat na linggo ng “Obsession,” psycho drama thriller na napapanood sa TV5 every Thursday at 8 p.m. pagkatapos ng “Confessions of a Torpe.” Sa episode bukas, ipagpapatuloy ni Ramon ang kanyang maitim na balak laban kay James (Martin Escudero). Pagpapalitin niya ang mukha nilang dalawa gamit ang extensive cosmetic surgery.

Patuloy pa rin sina Vanessa at Bernadette (dual role na ginagampanan ni Bianca King) sa pagtatago kay Ramon. Makakatanggap si Bernadette ng tawag mula sa pamilya ni James na nahanap na ito. Sa pagkikita nila ni James (Ramon in disguise), agad siyang aalukin nito ng kasal. Magtagumpay kaya si Ramon sa kanyang kabaliwan?

comments