Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bistek tikom ang bibig tungkol kay Kris

Bistek tikom ang bibig tungkol kay Kris

Mayor Herbert Bautista

ni Rowena Agilada

BALIK-Pilipinas na si KC Concepcion mula sa New York at first TV guesting niya sa “Aquino and Abunda Tonight.” Inamin niyang matagal na niyang crush si Paulo Avelino at nanliligaw ito sa kanya. After Piolo Pascual na isang unwed father, mukhang sa isa na namang binatang ama mapo-fall in love ang dalaga nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Ano kayang reaction ng mga ito?

All praises si KC kay Paulo at kung pagbabasehan ang kanyang mga pahayag tungkol sa Kapamilya actor, chances are, sasagutin ng dalaga ang kanyang manliligaw. Wait na lang tayo sa kanilang official announcement. Sana lang, hindi na masaktan ang puso ni KC kapag nagmahal siyang muli.

How true naman kaya na diumano’y itinatago ni LJ Reyes kay Paulo ang anak nilang si Aki? May mga post si Paulo sa kanyang Instagram account na nami-miss niya ang bagets dahil matagal na niyang hindi ito nakikita. ’Yun kaya ang paraan ni LJ para gumanti kay Paulo dahil sinaktan nito ang kanyang puso?

KRIS Aquino

Umiiwas
Kung may mga pahapyaw si Kris Aquino tungkol sa lalaking nagpapasaya ng puso niya ngayon, tikom na tikom naman ang bibig ni QC Mayor Herbert Bautisa na nali-link kay Kris. Todo-iwas si Bistek sa entertainment press na gustong makuha ang kanyang pahayag tungkol sa kanila ni Kris.

Hindi siya nagpainterbyu noong nagpunta siya sa pasinaya ng Walk of Fame ni German Moreno sa labas ng GMA Network Center. Pwede namang itinanggi ni Bistek kung may something na namamagitan sa kanila ni Kris kung talagang wala. Dahil sa pananahimik niya sa isyu, may mga katanungang naglalaro sa isipan ng ibang tao na baka totoo nga. O, hindi raw naman kaya gimik lang ito? Whatever!

Wait na lang tayo sa mga susunod na posts ni Kris sa kanyang Instagram account at Facebook page. Baka sooner or later, aminin na niya kung sino ang lalaking nagpapasaya ng puso niya ngayon.

Freak accident
Napakababait at napakabubuting tao ng pamilya ni Lance Raymundo. Walang galit ang kanyang mga magulang at kapatid na si Rannie sa kanyang trainer sa nangyaring freak accident kay Lance. Nabagsakan ang kanyang mukha ng 80-pound barbell. Diumano, nagkamali ang trainer sa paghawak sa barbell na binubuhat ni Lance.

Hindi idinemanda ng kanyang pamilya ang trainer, pati ang gym kung saan naaksidente si Lance. Anila, freak accident ’yun at walang may gustong mangyari ’yun. Hindi rin pinangalanan ang gym para maprotektahan ito sa ibang customers na nagpupunta roon.

Naoperahan na ang bahagi ng mata at ilong ni Lance na na-injure. May mga nakaiskedyul pang susunod na operasyon at ayon sa mga doktor, maibabalik ang dating itsura ng mukha ni Lance after two or three months. Kailangan lang niyang magpahinga pagkatapos ng iba pang isasagawang operasyon sa kanya.

Tinututukan
Masaya ang pamunuan ng GMA Network at nagpapasalamat ang mga ito sa mga sumusubaybay sa mga programa sa GMA Telebabad. Mainit ang pagtanggap sa “Kambal Sirena” nina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes, na sinusundan ng “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw”) nina Marian Rivera at Alden Richards. Inaabangan din ang “Rhodora X” nina Jennylyn Mercado at Mark Herras na paigting nang paigting ang mga kaganapan.

Gayun din ang “A 100-Year Legacy” na kinatutuwaang subaybayan ng Kapuso televiewers. Panatiliin ang pagtutok sa mga nabanggit na programa gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes.

comments