Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur’s a good kisser, Louise says

Aljur’s a good kisser, Louise says

ALJUR Abrenica and Louise delos Reyes2

by Rowena Agilada

Speechless for a while si Aljur Abrenica nang sabihin ni Louise delos Reyes na good kisser siya.Sinabi pa ni Louise na kapag magka-eksena sila sa “Kambal Sirena,” hindi niya tinitingnan ang abs ni Aljur kapag nakahubad ito at sa mukha lang nito siya naka-focus. “Name-mersmerize ako sa mukha ni Aljur,”kilig-kiligang sabi ni Louise. Type raw kasi niya sa lalaki ang moreno.

“Talaga?,”sambit naman ni Aljur.”Masarap din namang humalik si Louise (laughs). Sobrang komportable na kami sa isa’t isa. Magical kapag magka-eksena kami.”

Walang dahilan para magselos si Kylie Padilla kay Louise at si Enzo Pineda sa kanya (Aljur).”Marunong ako rumespeto sa relasyon,”ani Aljur.

Aniya pa, nagkaayos na sila ni Geoff Eigenmann at siya ang gumawa ng first movie para magkausap sila. Nag-usap na rin sila ni Kylie at okey sila, walang problema sa kanilang relasyon,ayon kay Aljur. Sa April 25 ang balik sa Pilipinas ni Kylie na kasalukuyang nagbabakasyon sa Australia.

May video greetings ito sa kanya noong nakaraan niyang birthday (March 24) .Tinawagan din siya ni Kylie at may padala pang chocolates for him.

Nabigla lang
May taping si Aljur ng “Kambal Sirena” noong mismong birthday niya at binati siya ng cast at production staff. Ayon kay Aljur, nadala lang siya ng kanyang emosyon kaya nakapagsalita siya tungkol sa isyu sa kanila ni Geoff Eigenmann. “Nabigla lang ako. Siyempre, tao lang akong nagmamahal. Pasensiya sa mga taong nasaktan ko. Sana, hindi na lang ako nagsalita. Pero hindi ako nagsisisi. Hinarap ko lang ang sitwasyon. Tingin ko, tama ang ginawa ko,”lahad ni Aljur.

Aniya pa, wala na siyang sama ng loob. Dati na silang magkaibigan ni Geoff. “Move on na lang,”ani Aljur. Nabasa rin niya ang tweets ng manager ni Geoff na si Perry Lansigan na ani Aljur, nahihiya siya sa nangyari. Nag-sorry siya rito at sana raw ay maintindihan siya ni Perry kung bakit nakapagpahayag siya ng kanyang saloobin.

By the way, guest si Aljur sa launching ng Ducati Monster 796 model 2014 na ginanap sa Eastwood City last Friday. . Maraming actors ang pinagpilian, pero si Aljur ang personal choice ng presidente ng naturang motorcycle brand. Car racer din kasi ang Kapuso actor.

Feeling isda na
Umitim na si Louise delos Reyes at nabawasan ang kanyang timbang since nagsimula silang mag-taping ng “Kambal Sirena.” Parati kasi siyang nakabilad sa araw at sa Subic, Zambales, Morong, Bataan sila nagte-taping. Ani Louise, nag-e-enjoy na siya sa dagat at kapag nakabuntot siya ng sirena, feeling isda na rin siya. Enjoy siya sa kanyang dual role bilang Alona at Perlas.

Nati-threathen ba sila na kasabay nila ang “Dyesebel” ? “Focused lang kami sa trabaho namin. Lahat kami, pati buong staff. Group effort kami. We inspire each other para pagbutihin ang trabaho namin. Enjoy-enjoy lang. Masaya kami sa set,”ani Louise.

Aniya pa, two years ago, hindi siya masyadong focused sa kanyang trabaho. “May boyfriend kasi ako (Enzo Pineda), may pamilya. Kalat-kalat ang atensiyon ko. Now,kaya ko nang pagsabayin ang lovelife at career. Three years na kami ni Enzo at very supportive siya sa career ko,”lahad ni Louise.

Naitsika rin niya na noong nagkita sila ni Alden Richards sa isang event recently, niyaya siya nitong mag-dinner pagkatapos. “First time siyang nagyaya. Nag-treat siya sa isang Korean restaurant sa Greenhills. Kasama namin ang mga handler namin.

Na-miss mo ‘ko ,noh? sabi ko sa kanya. Kung kailan hindi kami magkasama sa teleserye, saka siya nagyaya. Eh, nakailang teleserye na kaming ginawa (laughs),” pahayag ni Louise.

Hindi ba niya talaga na-type-an si Alden? “Moreno ang weakness ko sa guy. At saka, masyadong pogi si Alden para sa akin (laughs), sambit ni Louise.

comments