Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Wristwatch b-day gift ni Louise kay Aljur

Wristwatch b-day gift ni Louise kay Aljur

MIKE Tan and Louise de los Reyes

by Rowena Agilada

IPINOST ni Aljur Abrenica sa kanyang Instagram account ang Tommy Hilfiger wristwatch na birthday gift sa kanya ni Louise de los Reyes. Pati ang note na, “Leading man, better late than never. Happy Birthday! Louise.” May kasama pa itong emote icon ng lips na may lipstick.

Ayon kay Aljur, hindi isyu ’yun sa kanila ng girlfriend niyang si Kylie Padilla. Hindi na ito selosa, di gaya noong bago pa lang ito sa showbiz na pinagselosan si Kris Bernal. “Siyempre, bago pa lang noon si Kylie. Hindi pa siya sanay sa kalakaran sa showbiz. Pero ngayon, naiintindihan na niya. Hindi niya pinagseselosan si Louise,” wika ni Aljur nang nakausap namin sa pocket presscon ng “Kambal Sirena.”

Aniya pa, walang malisya ’yung birthday gift sa kanya ni Louise. Wala silang dapat itago. Otherwise, hindi niya ipo-post sa kanyang Instagram account ang regalo ni Louise.

Walang anak
Si Aljur Abrenica ang peg ni Mike Tan sa pagpapapayat. Hindi nga lang siya nakakapag-gym ngayon dahil busy-bisihan siya sa taping ng “Kambal Sirena.” Ani Mike, kailangang karirin niya para magkaroon din siya ng maipagmamalaking abs tulad ng kay Aljur na kapag naka-topless ito sa “Kambal Sirena” ay pinagpipistahan ng mga miron sa set.

Hindi masabi ni Mike kung magkakaroon din siya ng topless scenes sa KS. Wala pa raw siyang nababasa sa script. He plays Jun, isang mangingisda na nakahuli kay Alona (Louise de los Reyes). First time niya to work with her at ani Mike, masarap itong katrabaho. Walang ere at very professional. “Minsan, naglolokohan kami sa set. Enjoy-enjoy lang. Walang pressure. Masaya kaming lahat na parang one big family,” ani Mike.

“Taken” na rin si Mike, tulad nina Aljur at Louise. May non-showbiz girlfriend siya at 8 years na silang together. Mike stressed, hindi sila nagli-live-in at wala siyang itinatagong anak.

Busy pa raw
Crush ni Luis Alandy si Jennylyn Mercado at gusto niyang mapalapit sa Kapuso actress. Pero hindi naman siya gumagawa ng move. Busy pa raw kasi si Jen sa “Rhodora X,” dahilan ni Luis nang nakausap namin sa taping ng “Innamorata.” Para namang hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng binata.

Kung gusto, may paraan, kung ayaw may dahilan, di ba? Sabi pa ni Luis, hindi siya marunong manligaw. Ayaw raw niya ng best foot forward. “Gusto ko, friendship muna para may foundation,” he said.

Enjoy-enjoy muna siya sa pagiging single, ayon kay Luis. Moving on pa lang siya after his break-up with his non-showbiz girlfriend na naka-base sa Canada. “Mahirap kasi ang long-distance relationship,” ani Luis.

Aniya pa, buti na lang busy siya sa kanyang work, kaya nalilibang ang isip niya. Nag-e-enjoy siya sa regional tour ng cast ng “Innamorata.” “Nakakatuwa, ang daming nagpapa-picture sa mall shows namin. Ina-appreciate nila ang ginagawa namin. Nakakataba ng puso kapag sinasabi nilang pinanonood nila ang “Innamorata.” Kaya naman, lalo kaming nai-inspire pagbutihin ang trabaho namin,” lahad ni Luis.

comments