Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vhong on Solenn: ‘Masarap kahalikan’

Vhong on Solenn: ‘Masarap kahalikan’

by Rowena Agilada

Nasa isang safehouse pa rin si Vhong Navarro kasama ang mga anak niya. Sobrang thankful si Vhong sa ABS-CBN na nag-provide ng security para sa kanilang mag-aama. Todo ang suporta ng Kapamilya Network kay Vhong sa kinasangkutan niyang gulo .”Nagsabi lang naman ako ng katotohanan. Sa mga supporter ko ako kumukuha ng lakas para ipaglaban ko ang nararapat. Parang pelikula ang nangyari sa akin. Gusto kong matapos na. Ayoko nang maulit, “wika ni Vhong noong presscon ng “Da Possessed.”
VHONG Navarro and Solenn Heusaff
First time niya humarap sa entertainment press kahit may pinagdaraanan pa siya sa buhay na ani Vhong, mahirap para sa kanya. Pero kailangan para sa promotion ng kanyang pelikula at bilang pasasalamat na rin niya sa suporta ng press sa isyung kinakaharap niya.

Ayon kay Vhong, na-trauma siya at nawalan ng kumpiyansiya dahil sa nangyari. Last year pa sila nag-shoot ng “Da Possessed” at kailan lang sila nag-resume.Noong first day siya nag-report sa set, naiilang siya,ayon kay Vhong. Tinulungan siya nina direk Joyce Bernal at Solenn Heussaff na maibalik ang kumpiyansiya niya. Parati siyang kinakausap ng mga ito at pinalalakas ang loob niya.

Suportado rin si Vhong ng ibang cast members ng “Da Possessed” tulad nina Smokey Manaloto, John Lapus, Empoy, Joy Viado, Beverly Salviejo at Joey Marquez. Kapag nasa set sila, hindi nila binabanggit kay Vhong ang isyu. Basta trabaho lang sila. Showing ang pelikula on April 19 sa mga sinehan nationwide. Joint-venture ito ng Star Cinema at Regal Entertainment.

Inggit sila!
Inggit-inggitan kay Vhong Navarro sina Joey Marquez, Smokey Manaloto at Empoy dahil may kissing scene siya with Solenn Heussaff. “Ang sarap kahalikan si Solenn,” ani Vhong. “Magaling din siya sa comedy. Magaling siya sa timing sa pagbibitiw ng dialogue.”

Galit-galitan naman sina Joy Viado at Beverly Salviejo sa ganda at kaseksihan ni Solenn. Joke nila, sasabuyan nila ito ng asido sa mukha.

Ang baklang si John Lapus, ipapa-riding in tandem daw niya si Solenn.”Ang ganda-ganda ni Solenn. Ang seksi-seksi. Walang arte. Noong nagkasama kami sa “Temptation Island,”takip-suso lang siya kapag nagbibihis. ‘Yung apat na girls na kasama namin (Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Rufa Mae Quinto), ingat na ingat sa pagbibihis,”wika ni John.

Hindi naman isyu kay Solenn kung hindi siya ang original choice para maging leading lady ni Vhong sa “Da Possessed.” Agad-agad tinanggap niya ang project dahil aniya, big opportunity sa kanya na makatrabaho si Vhong.If only for him, nagpakita ng panty si Solenn sa cart wheel scenes niya at nakipag-kissing scene pa kay Vhong. “He’s a good kisser. Ang lambot ng lips niya. He’s very funny, pero may serious side rin kapag nag-uusap kami off-cam. ‘Yun ang appeal niya sa akin. Good dancer pa siya,”lahad ni Solenn.

Aakitin
Mamaya sa “Rhodora X,’hindi naniniwala si Angela na may DID (split personality) si Rhodora. Babawiin niya si Joaquin kay Rhodora. Aakitin niya si Joaquin.

Para mapaghiwalay sina Angela at Rhodora, lilipat ng bahay sina Derrick at Lourdes. Makakaramdam ng selos si Rhodora sa nakikita niyang pagiging malapit ni Angela kay Joaquin.

comments