Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur-Louise budding romance gimik lang?

Aljur-Louise budding romance gimik lang?

ALJUR Abrenica and Louise delos Reyes

by Rowena Agilada

GIVE up na at hindi na umaasa si John Lapus na mabibigyan pa siya ng launching project. Aniya, may mga nangako na bibigyan siya ng solo movie. Pero naudlot ’yun at nalaman na lang niyang sa ibang gay actor ibinigay ang project.

“Ayoko na! Masaya na ako na support lang ako. Ang importante, may trabaho ako. Feeling ko, mas magtatagal ako pag suporta lang ako sa bida. Pag bida, tapos, ano na? Ayoko ’yung may solo movie nga ako, tapos hindi naman kumita,” pahayag ni John noong presscon ng “Da Possessed.”

Pero may pasubali siya na pwede pa rin siyang sumikat gaya ni Richard “Sir Chief” Yap. “Si Sir Chief, ngayon ko lang nalaman na thunder (matanda) na. Pero sumikat pa rin, huh!” ani John.

Si Vhong Navarro ang bida sa “Da Possessed” at tsika pa ni John, very natural ang akting nito sa eksenang takot na takot. “Noong nakita niya kami, takot na takot siya. Hindi na kailangan ang motivation. Parang nakakita siya ng elevator,” sambit ni John.

Bahagi pa rin ng 20th anniversary offering ng Star Cinema ang “Da Possessed” na ipalalabas sa mga sinehan nationwide on Black Saturday (April 19).

Gimmick lang?
Hinihintay ang pagbabalik ni Kylie Padilla mula sa Australia kung saan siya nagbabakasyon para mahingan ng pahayag tungkol sa balitang nagkakamabutihan ngayon sina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes. Hinihintay rin ang reaction ng papa Robin ni Kylie.

Para kasing mahirap paniwalaang nakipag-break diumano si Louise kay Enzo Pineda thru text lang. Huwag sabihing ganoon din si Aljur kay Kylie? Agad-agad? Si Aljur pa ang nagsabing marunong siyang humawak at rumespeto sa isang relasyon. Aniya pa, okey na okey sila ni Kylie at walang problema sa kanilang relasyon.

’Yung pagpunta ni Louise sa launching ng Ducati Monster 796 motorbike kung saan guest celebrity si Aljur, walang planong pumunta si Louise dahil may iba siyang gimmick that night. Inimbita lang siya ng isang taga-GMA na pumunta sa launch bilang suporta kay Aljur.

Nang tanungin naman namin ang ilang GMA insiders kung totoo ba o gimmick lang ang isyu kina Aljur at Louise, walang naisagot ang mga ito at nginitian lang kami.

Iniwan ng asawa
Wala pang bagong project si Rhian Ramos after “Genesis” with Dingdong Dantes. Tahimik din ang love life ni Rhian at walang nababalitang manliligaw o bagong boyfriend after KC Montero. O, baka naman, “sila” pa rin?

Sa fans and supporters ni Rhian, tutok lang ngayong Sabado sa “Magpakailanman.” Tampok siya sa episode na “Life after Death” kung saan gaganap siya bilang Jane Sison. Tatlong beses siyang nabuntis at nakunan. Pero umasa pa rin siyang magkakaanak para huwag siyang iwan ng kanyang asawa na nagtatrabaho sa isang luxury cruise.

Noong nabuntis siya at ipinanganak si Justine, saka naman siya iniwan ng kanyang asawa. Nagtrabaho si Jane hanggang napabayaan niya ang anak. Nagkasakit ito at namatay. Paano niya haharapin ang buhay sa pagkawala ng mga taong mahal niya?

Tampok din sina Paolo Contis, Dante Rivero at Marc Justine Alvarez, mula sa direksiyon ni Neal del Rosario.

Huwag palampasin ang “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.

comments