Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jen ayaw munang magpaligaw

Jen ayaw munang magpaligaw

JENNYLYN Mercado and Mark Herras

by Rowena Agilada

“FLATTERING!” ang tanging nasabi ni Jennylyn Mercado nang sabihin sa kanya ng mga duma law na entertainment writers sa taping ng “Rhodora X” na crush siya ni Luis Alandy. Ani Jen, hindi pa sila nagkikita ni Luis kahit parehas silang nagtatrabaho sa GMA Network. Aniya pa, ayaw pa niyang magpaligaw kahit kanino. “Mahirap pagsabayin ang career at love life. May anak pa ako. Huwag kayong mainip. Darating din ‘yun (love life). Masaya naman ako dahil meron akong Alex Jazz (her 5-year-old son by Patrick Garcia).”

Naka-move on na siya sa breakup nila ni Luis Manzano. Nag-iscuba diving pa rin siya sa Mabini, Batangas na dating pinupuntahan nila ni Luis, ayon kay Jen. Ang DM (diving master) niya ang kasama niya at inaayos nito ang kaniyang schedule para hindi sila magkita roon ni Luis.

Ano naman ang masasabi niya na katapat ng “Rhodora X” ang teleserye ni Angel Locsin na current girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano? “Ayokong mag-isip ng kung ano pa man. No expectations. No competitions. Ang importante, pinagbubuti namin ang aming trabaho. Salamat sa mga sumusubaybay at pumupuri sa show namin,” pahayag ni Jen.

Aniya, sobrang challenging ang tatlong karakter na ginagampanan niya sa “Rhodora X.” Sobrang happy siya na napapansin ang performance niya. “Mahirap magpalit-palit ng karakter bilang mabait na Rhodora, salbaheng Roxanne at batang Rowena,” wika ni Jen.

Natakot
This month na bibinyagan ang anak ni Mark Herras na si Ada Sofia Nicolette. Kabilang sa godparents sina Rocco Nacino, Rainier Castillo, Mike Tan, Enzo Pineda, Jay-R, Kris Lawrence, Katrina Halili. Gusto rin ni Mark kuning ninang si Jennylyn Mercado. Pwede raw ba kaya ‘yun, eh, ninong siya ng anak nitong si Alex Jazz? Why not?

Nakausap namin si Mark sa taping ng “Rhodora X” at ipinakita pa niya ang picture ni baby Ada sa kanyang celfone. Cute ang bagets at may features na hawig kay Mark. Born on Nov. 7 last year, five months old na ito today.

Ayon kay Mark, walang TV coverage ang binyag ng anak niya. Magpapalabas na lang siya ng pictures na silang mag-ama lang without the mother bilang respeto rito at sa privacy nito.

Ayon pa kay Mark, wala siyang ipinangako sa mommy ng anak niya. Concerned lang siya sa baby at bilang isang ama, may responsibilidad at obligasyon siya. May financial support siya sa batao Ikinuha niya na rin ito ng educational plan. “Noon ko pa talaga gustong magka-baby. I’m turning 28 in December at feeling ko, kaya ko nang maging tatay,” ani Mark.

Hindi niya agad naamin na may anak na siya dahil natakot siyang baka hindi na siya bigyan ng trabaho ng GMA7. Thankful siya na suportado siya ng Kapuso Network at binigyan siya ng project, itong “Rhodora X.”

Swak na swak
Bumalik na naman sa bisyong paninigarilyo ang isang aktor. Noong karelasyon nito ang isang TV personality, sinabihan ito na itigil na ang paninigarilyo. Sumunod naman ang aktor.

Pero sandali lang dahil kapag hindi ito nakikita ng GF, palihim naninigarilyo ang aktor. Noong naghiwalay sila, lantaran na ang paninigarilyo ng aktor. Sumunod na nakarelasyon nito ang isang not so young actress na mahilig manigarilyo.

Swak sila ng aktor sa smoking session. Tsika ng source natin, parehong chain smokers ang couple na ito, kaya buddy-buddy sila.

comments