Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur nakipag-jam for a cause

Aljur nakipag-jam for a cause

GERMAN Moreno and YASMIEN Kurdi

by Rowena Agilada

NAKIPAG-jamming si Aljur Abrenica sa isang band sa isang event kamakailan sa Eastwood City. May sariling event that day ang Kapuso actor at habang naghihintay na mag-umpisa ito, napansin ni Aljur ang isang banda na kumakanta for a cause. Para ’yun sa mga batang may kanser.

Nilapitan ni Aljur ang banda at naki-jamming siya. Kumanta siya ng dalawang kanta with the band. Naglagay pa si Aljur ng pera sa basket at bago siya kumanta, sinabihan niya ang audience na kung meron silang sobrang pera, paki-share naman sa mga bata.

Habang kumakanta si Aljur with the band, marami ang naglagay ng pera sa basket. Kaya naman tuwang-tuwa ang banda at laking pasasalamat nila kay Aljur na naging bahagi ng kanilang advocacy.

Intriga!
Gustong ipaalam ni German Moreno sa mga nang-iintriga sa project niyang Walk of Fame (WOF) na mula sa sarili niyang bulsa ang ginagastos niya sa pagpapalagay ng pangalan ng mga celebrity mula sa iba’t ibang larangan.

Merong WOF sa Eastwood City at kamakailan ay pinasinayaan ang WOF sa labas ng GMA Network Center sa Timog Avenue, QC.

Two hundred names ng mga celebrity ang ipinalagay ni kuya Germs at aniya, walang pulitikong nagbigay ng financial support.

Nakarating sa kanyang kaalaman na may mga nag-aakusa na diumano’y ginastusan daw ’yun ni QC Mayor Herbert Bautista. Nakalagay kasi du’n ang pangalan nito. “Huwag nang intrigahin si mayor. Wala siyang ginastos na galing sa kaban ng QC. Moral support lang siya sa aking proyekto,” saad ni kuya Germs.

Ang isa pang pangarap niya ay maiproklamang City of Stars ang QC. Basbas na lang diumano ni Mayor Herbert ang kailangan para maisakatuparan ’yun. May nagsabi kay kuya Germs na baka maaprubahan na ’yun ni Mayor HB kung ilalagay niya sa WOF ang pangalan ng daddy nitong si Butch Bautista na kabilang sa Lo Waist Gang (LWG) noon na pinangunahan ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. Nabanggit ni kuya Germs na ’yun ang gusto ni Mayor HB.

Bakit nga hindi? Sikat noong Dekada 50-60 ang Lo Waist Gang sa showbiz. Sabi ni kuya Germs, kung ilalagay niya ang pangalan ni Butch Bautista, dapat lahat ng LWG members. Oo naman! Sino-sino nga ba sila? Ang natatandaan lang nami’y sina FPJ, Butch Bautista at Boy Sta. Romana.

Mabait naman
“Mabait naman siya,” ang tanging nasabi ni Yasmien Kurdi nang kumustahin namin ang working relationship nila ni Mark Anthony Fernandez sa “Rhodora X.” He plays Nico na sobrang in love with Angela (Yasmien) at ginagawa lahat para makuha nang buung-buo ang tiwala at pagmamahal ni Angela. Bine-brainwash niya si Angela para kamuhian at layuan ang sariling pamilya nito.

Wala si Mark Anthony nang dumalaw kami kasama ang ilang entertainment writers sa taping ng “Rhodora X” sa Dasmarinas, Cavite. Ayon kay Yasmien, professional naman si Mark at hindi ito sakit ng ulo sa co-stars at production staff. Nakaka-deliver naman daw ito kung ano’ng hinihingi ng role niya.

Wala silang bonding moments dahil naunang nag-artista si Mark Anthony at several years older ito sa kanya, ayon kay Yasmien. Mas close siya kina Jennylyn Mercado at Mark Herras na ka-batch niya sa “Starstruck 1.”

comments