Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lovely Rivero to the youth: ‘Wag magmadali sa pag-aasawa’

Lovely Rivero to the youth: ‘Wag magmadali sa pag-aasawa’

Luis Alandy

by Rowena Agilada

KASAMA na nina Luis Alandy sa bahay nila sa Taytay, Rizal ang 90-year old lola niya. Matagal itong nanirahan sa United States. May Alzheimers ito at mahal ang bayad sa caregiver sa US, kaya pinabalik na nila ito sa Pilipinas, ayon kay Luis nang nakatsikahan namin kamakailan lang.

Wala pa siyang plano ngayong Holy Week at baka sa bahay lang daw siya, ayon pa kay Luis. Uso pa rin sa probinsiya nila ’yung mga nagpepenitensiya (hampas) sa tuwing sumasapit ang Semana Santa. Isang atraksiyon ’yun na dinarayo pa ng mga tao mula sa karatig-bayan at Manila.

Nabanggit ni Luis na kasama siya sa Lenten special ng “Eat Bulaga” na ipalalabas ngayong Holy Week. Kasama niya rito si Marian Rivera. Napangiti ang aktor when told na sana, ni-request niyang ang crush niyang si Jennylyn Mercado ang makasama niya.

Busy-bisihan din si Luis sa extreme workout para sa mini-olympics na gaganapin this month na pamamahalaan ng isang malaking kompanya. Kasali ang Kapuso actor sa karera ng mga bisikleta na isa sa mga sports event.

Mahiyain
Lovely Rivero was only 17 years old noong nag-asawa siya. At 18, nanganak siya at 27 years old na ngayon ang panganay niya (lalaki) na may real estate business. Twenty-five years old naman ang sumunod (babae) na katulong niya sa kanilang restaurant business.

Twenty-five years older kay Lovely ang napangasawa niya, ang businessman na si Nacy Nocum. After eight years of living together, naghiwalay sila dahil sa third party ng husband niya, ayon kay Lovely nang nakausap namin sa taping ng “Innamorata.”

Since then, single mom si Lovely. Aniya, cordial naman ang relasyon nila ng kanyang ex-husband. Legally married pa rin sila. “We’re better off as friends,” ani Lovely. Turning 45 years old, may mga pumopormang non-showbiz guys kay Lovely. Pero aniya, wala pa siyang natitipuhan. Naka-focus siya sa kanyang showbiz career at sa kanilang restaurant (Mamangs) sa Anonas, Kamias, QC.

Ayon kay Lovely, mahiyain siya noon, kaya pinag-artista siya ng kanyang mommy. Kaya lang, na-in love siya at nag-asawa agad. Payo niya sa mga kabataang artista ngayon, huwag magmadali sa pag-aasawa gaya ng ginawa niya. Hanga nga raw siya sa mga bagets ngayon na career-oriented.

KIKO Estrada

Babalik?
How true, gusto raw bumalik ni Kiko Estrada sa GMA7? Una siyang lumabas sa “Tweenhearts” youth-oriented series. Nainip siya sa paghihintay na mabigyan ng break, kaya lumipat siya sa ABS-CBN.

Sa pagmamadaling sumikat, wala ring nangyari sa career ni Kiko sa Kapamilya Network. Naisama siya sa ilang programa, pero hindi naging sapat para magningning ng bonggang-bongga ang kanyang bituin.

Kasama sana si Kiko sa launching project ni Julia Barretto (Mirabella) with Diego Loyzaga. Pero napalitan sila nina Enrique Gil at Sam Concepcion. Nawala sa cast si Kiko. Kasama pa rin si Diego, pero hindi na siya ang love interest ni Julia. Kumbaga, pang-sahog na lang si Diego.

Kumusta na nga pala ang panliligaw ni Kiko kay Kim Rodriguez? Nag-pursue ba siya? Sila na ba? O, huminto na ba siya sa panliligaw? O, gimik lang ’yun? Whatever! Hindi naman ’yun nakatulong para pag-usapan sila ng bonggang-bongga.

comments