Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Report: Geoff at Carla break na;

Report: Geoff at Carla break na;

GEOFF Eigenmann, Kylie Padilla and Carla Abellana

Geoff susundan si Kylie sa Aussie
by ROWENA AGILADA

NAKAKALUNGKOT at nakakapanghinayang kung totoong break na sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana. Panay pa naman ang pagtatakip ni Carla na okey sila ni Geoff at inaayos daw nila kung anuman ang problema sa tatlong taong relasyon nila. It seems, hindi naayos kaya nauwi sa hiwalayan.

How true na diumano, parang nabunutan ng tinik ang pamilya ni Carla dahil hindi naman pala boto ang mga ito kay Geoff. May record daw kasi na babaero ang mga Eigenmann. Sey n’yo, Michael de Mesa (Geoff’s dad) and Mark Gil (Michael’s brother)? Nasa US ngayon si Geoff kasama ang manager niyang si Perry Lansigan at nagmumuni-muni sa mga bagay-bagay.

Si Kylie Padilla diumano ang third party sa hiwalayan nina Geoff at Carla. How true na balak daw sundan ni Geoff si Kylie sa Australia kung saan nagbabakasyon ito? And how true pa rin na ayaw pa raw umuwi ni Kylie sa Pilipinas noong nabalitaan niya ang tungkol kina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes? Si Enzo Pineda (Louise’s ex- BF) ay nasa US kasama ang kanyang pamilya para manood ng boxing bout nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley.

Samantala, mapapanood naman si Carla ngayong Sabado sa “Magpakailanman.” Gaganap siya bilang Naneth na isang baby maker. Sa hirap ng buhay at sa matinding pagmamahal sa kanyang ina, napilitang maging pick-up girl si Naneth. Nabuntis siya ng isang customer at iniwan. Paano hinarap ni Naneth ang mga pagsubok sa buhay? Tutok lang sa “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.

Bumalik na naman
Hindi pinapayagan ni Jennylyn Mercado ang 5-year old son niyang si Alex Jazz manood ng “Rhodora X.” Baka raw kasi matakot ang bagets o maging bayolente ito, lalo na kapag may hawak siyang (Jen) kutsilyo. Kapag nagta-transform ang karakter niyang Rhodora sa Roxanne, nagiging bayolente siya, ani Jen nang nakausap namin sa taping.

This week, bumalik na naman ang alter ego ni Rhodora na si Roxanne sa sobrang stress. Galit na galit siya noong nakita niyang nag-uusap sina Joaquin at Angela. Huwag palampasin ang mga kaganapan sa “Rhodora X” na paigting nang paigting.

comments