Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vhong vindicated

Vhong vindicated

VHONG Navarro

by Rowena Agilada

MASAYA si Vhong Navarro sa pagbasura ng korte sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo. Napatunayang walang probable cause.

Nagpasalamat si Vhong sa lahat ng taong naniwala at sumuporta sa kanya. “Nagsabi lang ako ng totoo,” aniya sa isang interbyu.

Ang leksiyon na natutunan niya, huwag sobrang magtitiwala. Madali raw kasi siyang magtiwala. Dahil sa nangyari sa kanya, sobrang careful na siya ngayon, ayon kay Vhong.

Sobrang thankful din siya sa kanyang mga anak at sa girlfriend niya sa suportang binigat at patuloy na ibinibigay ng mga ito sa kanya. Unti-unti nang naibabalik ni Vhong ang kumpiyansiya niya sa sarili.

Showing sa April 19 and “Da Possessed” na pinagbibidahan ni Vhong at magandang abangan kung bubuhos din ang suporta ng madlang pipol sa naturang pelikula. Harinawa!

Pasabog
May bagong pasabog si Claudine Barretto. Diumano’y may gustong lumason sa kanilang mag-iina (Sabina at Santino). Humihingi siya ng tulong para sa kanilang kaligtasan.

Ayon sa report, diumano’ may babaeng nagpunta sa bahay nila at nagpanggap na kaibigan niya. Diumano pa rin, may mga taong gusto siyang sirain at i-set-up.

Ano naman kaya ang reaction ng estranged husband niyang si Raymart Santiago sa tweet ni Claudine na diumano’y may kapatid siya sa labas? Bernadette Calove ang name. Totoo kaya ’yun? Nasaan at sino kaya talaga ang babaeng ito at ano ang kaugnayan niya sa mga Santiago?

First time
First time ni Ryzza Mae Dizon nakasama sa show abroad ng Eat Bulaga Dabarkads. Nag-show sila sa Sony Centre for the Performing Arts sa Toronto, Canada na 3,200 ang capacity. Ayon sa balitang nakarating sa amin, sold-out ang tickets at marami pa raw ang gustong manood. Kaya lang, nagkaubusan na ng tickets.

After ng show, nagkaroon ng meet and greet si Ryzza na sobrang kinatuwaan ng mga Pinoy na naninirahan doon. May mga nagbigay ng regalo kay Aling Maliit. May nag-offer na ipapasyal siya nang libre. Kasama ni Ryzza sa first trip niya abroad ang kanyang mommy Rizza.

comments