Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rocco and Lovi together in Europe

Rocco and Lovi together in Europe

ROCCO Nacino and Lovi Poe

by ROWENA AGILADA

Nag-e-effort talaga sina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi na mai-guest si Rainier Castillo sa “Rhodora X.” Magkakasama silang apat sa “Starstruck 1” ng GMA7 at ani Mark nang nakausap namin sa taping ng “Rhodora X,” magandang reunion sana nila kung makakasama si Rainier sa primetime series nilang ito. Sana raw ay pagbigyan sila ng production staff.

Naging screen love team noon sina Yasmien at Rainier. Pero off-camera, si Sheena Halili ang naging girlfriend ni Rainier. On-and-off screen love team naman noon sina Mark at Jennylyn. Galit-bati ang relasyon nila hanggang nauwi sa hiwalayan. “Jen and I are better off as friends,” sambit ni Mark na sinang-ayunan ni Jen.

Sabi pa ni Mark, may pinaghahandaan daw si Rainier. Asked kung magpapakasal na ba ito, “Ah! Hindi. Basta, alam ko, may pinaghahandaan siya,” ani Mark na nagsabi pang isa si Rainier sa mga ninong ng anak niyang si Ada sa binyag nito this month.

Hindi banned
Kung hindi mababago ang plano ni Jennylyn Mercado ngayong Holy Week, pupunta siya sa Mabini, Batangas kasama ang kanyang DM (dive master) at magda-diving sila roon. Joke nga ng Kapuso actress, hindi pa naman siya ban sa Batangas at anytime na gusto niyang pumunta roon, pwede.

Bakit sa dinami-rami ng beach sa Pilipinas, sa Batangas pa niya gusto mag-dive? “Wala lang! Nakasanayan ko na roon, eh! (laughs). Maganda at masarap mag-dive roon,” saad ni Jen.

Ano kaya kung sa Mabini, Batangas din mag-Holy Week ang ex-boyfriend niyang si Luis Manzano kasama si Angel Locsin? Ano kayang magiging scenario?

Sa Instagram account nga pala ni Luis, nai-post niya ang pictures nila ni Piolo Pascual at dalawa pang kasama noong nagpunta sila sa Tubattaha kung saan sila nag-surfing. Close friends din pala sina Luis at Piolo. Bakit kaya hindi nila kasama si Billy Crawford na BFF (Best Friend Forever) ni Luis? Hindi kaya ito mahilig mag-surfing?

KKB kaya?
Kasalukuyang nasa Europe sina Lovi Poe at Rocco Nacino at nag-e-enjoy sa kanilang bakasyon doon. Kasama ni Lovi ang kanyang mommy. Ayaw pa ring umamin nina Lovi at Rocco sa totoong estado ng kanilang relasyon.

The fact na nag-effort si Rocco sumama sa trip na ’yun ni Lovi and her mom, kailangan pa ba ang mahabang paliwanag?
Just curious, KKB (kanya-kanyang bayad) kaya sina Lovi at Rocco ng pamasahe nila papuntang Europe at pabalik ng Pilipinas? KKB din kaya sila o share sa hotel bills at pagkain nila roon? Whatever! Basta masaya sila, bale-wala kina Lovi at Rocco kung magkano man ang gastos nila roon.

Pagbalik nila sa ’Pinas, magiging busy na si Lovi sa taping ng bago niyang primetime series sa GMA7, ang “Ang Dalawang Mrs. Real” with Dingdong Dantes and Maricel Soriano. Wala pa kaming balita kung may bagong teleserye si Rocco after “Akin Pa Rin ang Bukas” with Lovi.

comments