Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Louise’s mom alleges third party as cause of daughter’s split with Enzo

Louise’s mom alleges third party as cause of daughter’s split with Enzo

Louse Delos Reyes and Enzo Pineda

by Rowena Agilada

PERSONAL differences ang sinabing dahilan ni Carla Abellana kung bakit sila nag-break ni Geoff Eigenmann. Aniya, maraming bagay silang hindi pinagkakasunduan. They don’t share the same values. Maraming dahilan kung bakit sila naghiwalay. She stressed, walang third party involved. So, absuwelto si Kylie Padilla na hinihinalang dahilan.

Ayon pa kay Carla, sa almost four years na relasyon nila ni Geoff, never niyang pinagdudahan ito o never siyang nag-isip na may masamang ginawa si Geoff. Naging bahagi siya ng pamilya Eigenmann at ginawa nila lahat ni Geoff para maisalba ang kanilang relasyon. “Alam ko, nag-effort si Geoff. Hindi ako galit and I’m not blaming anyone. No regrets,” words to that effect na pahayag ni Carla on national TV.

Pinasalamatan niya ang ex-BF for loving her, Pati ang pamilya Eigenmann, “For making me who I am now. I’m stronger and tougher now,” saad ni Carla. Sana raw, ’yung next relationship niya’y ’yun na talaga at aalagaan siya.

May 3rd party?
“No regrets. Nagmahal lang ako ng totoo,” sabi ni Enzo Pineda sa hiwalayan nila ni Louise delos Reyes. Ayon sa Kapuso actor, desisyon ’yun ni Louise. Ayon pa kay Enzo, naging stronger and better person siya ngayon. Uy! Parehas sila ni Carla Abellana. Parehas din silang heartbroken.

Pero ayon sa isang reporter, sinabi raw sa kanya ng mommy ni Louise na may third party sa side ni Enzo. May bago raw itong girlfriend, kaya nakipag-break si Louise. How true?

Sabi pa raw ng mommy ni Louise, walang ibang lalaki sa buhay ng anak niya. Hintayin na lang daw na ilabas ni Enzo ang bagong GF. May gano’ng isyu?

Si Aljur Abrenica ang hinihinalang dahilan ng falling-out nina Louise at Enzo. Parehas tahimik sina Aljur at Louise sa isyu na ayon sa nakarating sa amin, may kung sino’ng (o mga) pumigil sa dalawa para magsalita.

Pogi points
Naka-pogi points si Benjamin Alves at naungusan niya si Luis Alandy kay Jennylyn Mercado. Agad-agad nakadalaw si Benjamin noong na-confine sa hospital si Jen. Three days kasing nilagnat ang star ng “Rhodora X “ sa hindi malamang dahilan.

Baka raw nahawa si Jen sa isang kasama nila sa set o baka raw sa isang event na dinaluhan niya. Whatever!

Parehas open sina Benjamin at Luis sa admiration nila kay Jen. Sa kanilang dalawa, mukhang nag-e-effort si Benjamin mapalapit kay Jen. Hayan at dinalaw niya ito sa hospital. Eh, si Luis? Waley effort kahit text o phone call man lamang. O, baka naman, hindi nalaman ni Luis na nasa ospital si Jen? Ipinost pa ni Jen ’yun sa kanyang Instagran account.

Kung paninindigan ni Jen ang sinabi niyang ayaw niya munang mag-entertain ng mga manliligaw at focused lang muna siya sa kanyang trabaho, mukhang kailangang mag-double o triple effort si Benjamin para masungkit niya ang puso ni Jen. Sabi kasi ng huli, magkaibigan lang sila ni Benjamin.

Mukha namang iniiwasan na ni Jen magkaroon ng boyfriend na Luis ang pangalan after maghiwalay sila ni Luis Manzano. Walang kilig si Jen nang tuksuhin namin siya kay Luis Alandy noong nakausap namin siya sa taping ng “Rhodora X.”

comments