Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis-Angel birthday surprise

Luis-Angel birthday surprise

ANGEL Locsin and Luis Manzano

by Rowena Agilada

MAGKASUNOD ang birthday nina Luis Manzano at Angel Locsin. Turning 33 si Luis on April 21 at 30 naman si Angel on April 23. Nai-post ni Angel sa kanyang Instagram account na isang surprise birthday party para sa kanilang dalawa ni Luis ang ginawa ng mga kapatid niya and some close friends.

Post ni Angel, kakuntsaba ng mga kapatid niya si Luis sa surprise birthday party na ’yun.
Sa isang picture na ipinost ni Angel, kasama nila ang kanyang daddy (Angel Colmenares), her siblings, mga pamangkin at ilang mga kaibigan. Para talagang miyembro na si Luis ng pamilya Colmenares.

Napaaga ang joint birthday celebration nina Luis at Angel dahil parehas silang magiging busy sa kani-kanilang trabaho. Pero ano’ng malay natin, baka maisingit pa rin nila ang special celebration on or before their birthdays? Si Luis pa? Mahilig siya sa surprises.

Ayos na sila
Ngayong nagkabati na sina Senator Bong Revilla at Hayden Kho, magawan kaya ng paraan ni Sen. Bong na maibalik ang medical license ni Hayden? Matatandaang si Sen. Bong ang nagsulong na bawiin ng PRC (Professional Regulatory Commission) ang medical license ni Hayden noong kasagsagan ng sex video scandal nito.

Dahil du’n, sumama ang loob ni Dra. Vicki Belo kay Senator Bong. Nasira ang kanilang friendship. Ngayong nagkaayos at nagkabati na sila noong nagkasama sila sa two-week spiritual journey nila sa Holy Land, maibalik pa kaya nang buung-buo ang kanilang friendship? O, may lamat na ’yun?

Interesado pa rin kaya si Hayden na mag-practise ng kanyang medical profession? O, bilang isang pastor na ngayon, tutok na lang siya sa pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos?

Vacation mode
Nasa vacation mode ngayong Holy Week ang mga artista. Nasa New Zealand ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos kasama ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho.

Nasa Ilocos naman ang magkasintahang Zanjoe Marudo at Bea Alonzo kasama ang kanilang respective families. Lilibutin nila ang buong Ilocos.

Nasa Japan si Erik Santos kasama ang ilang kaibigan. Hindi kasama ang rumored girlfriend niyang si Angeline Quinto dahil may trabaho ito kahit Holy Week.

After ng show ng “Eat Bulaga’s” Dabarkads sa Toronto, Canada, tumuloy naman sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa United States para sa kanilang extended vacation.

Nasa Myanmar naman ang couples na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff, Solenn and Argentinian BF na si Nico. Nasa Europe naman sina Lovi Poe at Rocco Nacino.

Sarap ng mga artista, noh? Lalo na ’yung mga can afford magbakasyon abroad.

comments