Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Geoff advised to keep mum on breakup with Carla

Geoff advised to keep mum on breakup with Carla

Geoff Eigenmann

by Rowena Agilada

WALANG balak magsalita si Geoff Eigenmann hinggil sa breakup nila ni Carla Abellana kahit pa inamin na ng huli na wala na sila. ’Heard, pinayuhan si Geoff ng kanyang management company na huwag na lang siyang magsalita tungkol sa break-up issue nila ni Carla.

Mukhang mas affected ang dalaga. Sabi ng isang taong malapit sa Kapuso actress, mas minahal ni Carla si Geoff. Bigay-todo siya sa pagmamahal sa Kapuso actor. Mas nasasaktan daw si Carla dahil sa almost four years na relasyon nila ni Geoff, parating siya ang umuunawa kay Geoff kapag nagkakaroon sila ng LQ (lover’s quarrel). Thoughtless at hindi pa romantic si Geoff.

CARLA Abellana

Nabalitang diumano’y naglasing si Carla sa isang bar sa Makati. Diumano pa rin, nagsuka siya sa sobrang kalasingan. Marami nga raw ang nakasaksi. Pero itinanggi ’yun ni Carla. Aniya, hindi siya lumalabas ng bahay para gumimik since nag-break sila ni Geoff.

Di isyu
Nagkasama sina Dingdong Dantes at Isabelle Daza sa “Genesis” sa GMA7. Guest role lang doon si Isabelle. Sa pelikulang “Kubot: The Aswang Chronicles,” leading lady na siya. Jointventure ito ng Reality Entertainment ni Dondon Monteverde at Agostos Dos ni Dingdong. Si Erik Matti ang direktor.

Follow-up ito sa “Tiktik: The Aswang Chronicles” na collaboration din nina Dondon, Dingdong at direk Erik Matti. Si Lovi Poe ang leading lady ni Dingdong sa naturang pelikula. Sa bagong primetime series ng GMA7, ang “Ang Dalawang Mrs. Real,” magkatrabaho rin sina Dingdong at Lovi with Maricel Soriano.

Hindi isyu kay Marian Rivera kung magkasama sina Lovi at Dingdong sa naturang primetime series ng Kapuso Network. Matatandaang nagkasama sina Marian at Lovi sa isang sitcom kung saan nabuo ang kanilang friendship. Nasira nga lang (o nagkalamat) noong hindi naipagtanggol ni Lovi si Marian sa naging isyu nito at ni Heart Evangelista noong nagkatrabaho silang tatlo sa “Temptation Island.”

May tsikang diumano’y gustong ipatanggal ni Marian si Lovi sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Mariing itinanggi ito ng Kapuso Primetime Queen. Aniya, hindi siya nakikialam at wala siyang karapatan sa desisyon ng management. Pagdating sa kanilang respective careers, to each his own sila ni Dingdong.

comments