Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jennylyn balik-recording

Jennylyn balik-recording

Luis Manzano

by Rowena Agilada

Birthday ngayon ni Luis Manzano who turns a year older. He’s 33 . Sa Wednesday (April 23) naman ang 30th birthday ng girlfriend niyang si Angel Locsin. Happy birthday Kulit at Kiti. Wish ng fans, kayo na talaga forever!

Looking forward ang mga nagmamahal kina Luis at Angel na magpakasal na sila. Sa mga interbyu kay Luis, sinasabi naman niyang napag-uusapan na nila ni Angel ang pagpapakasal. They’re not getting any younger . Ani Luis, si Angel na talaga ang “the one” for him.

Bagaman, can afford na si Luis magkaroon ng sariling pamilya,aniya, gusto niyang mag-ipon pa para mabigyan niya ng stable future ang kanyang magiging pamilya. Kaya niyang mag-provide for two to three years. Pero pagkatapos nu’n ,ano na? Gusto lang matiyak ni Luis na pang-matagalan at only the best for his future family.

Super lucky naman talaga si Angel kapag sila ang nagkatuluyan ni Luis. Huwag na sana niya itong pakawalan pa dahil prize catch si Manzano.

Jennylyn Mercado

New album
Nag-pictorial na si Jennylyn Mercado para sa cover ng bago niyang CD album under GMA Records. Yes, balik-recording ang Kapuso actress na aniya, first love naman niya talaga ang singing.

Mga sentimental love songs na pang-emote ang nakapaloob sa kanyang album na ani Jen, marami ang makaka-relate, kasama na siya. May pang-heartbroken,may pampakilig, may pampa-in love, at iba’t iba pang emosyon na may kinalaman sa pag-ibig.

Magse-celebrate si Jen ng kanyang 10th anniversary in showbiz at magandang bahagi nito ang bago niyang album. Next month ay magse-celebrate rin si Jen ng kanyang 27th birthday. Lonely heart pa kaya siya by then?

“Masaya naman ako kahit walang lovelife. May Jazz (her 5-year old son by Patrick Garcia) naman ako na inspirasyon ko at nagpapasaya sa akin. Huwag kayong mainip. Darating din ‘yun (lovelife). Sa ngayon kasi, ayoko munang mag-entertain ng mga manliligaw. Pahinga muna ang puso ko sa pag-ibig,” wika ng “Rhodora X” star.

Overwhelmed si Jen sa mga papuri sa kanyang pagganap sa tatlong characters (Rhodora, Roxanne at Rowena). Hintayin na lang daw at baka magkaroon pa siya ng ikaapat na alter ego. Happy si Jen at ang buong cast ng “Rhodora X” dahil extended ito.

comments