Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mayor Herbert says he’s not seeing anyone now

Mayor Herbert says he’s not seeing anyone now

Mayor Herbert Bautista

by Rowena Agilada

MAGSO-showbiz na rin ba ang mga anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sina Mavy at Casey? May dance number ang kambal sa “ASAP” last Sunday (replay kaya o live ’yun?) with Enrique Gil. Ang galing sumayaw nina Mavy at Casey. Ang pogi ni Mavy at pretty naman ni Casey. Mga artistahin talaga sila.

Maraming kaedad nilang artista ang patataubin ng Legaspi twins kung tuluyan na nilang papasukin ang showbiz. Star material at promising ang mga bagets. Matinee idol ang dating ni Mavy. Papa Zoren and mama Carmina must be super proud sa kanilang kambal na parang junior versions nila.

Not seeing anyone
Ano kayang reaction ni Kris Aquino sa sinabi ni QC Mayor Herbert Bautista sa isang magazine interview na he’s not seeing anyone else at this point? Ayon pa kay Mayor HB, 2003 pa ang last relationship niya.

Eh, ano kaya ’yung inamin ni Kris na “sila” na ni Mayor HB? Sabi pa ni Kris, “work in progress” sila.

Kung 2003 pa ang huling relationship ni Mayor HB, bakit naman pangalan niya ang nakasulat sa envelope na personal na iniabot sa amin ni Tates kung halimbawang wala na silang relasyon in 2008? Mga sumunod pang pagkikita namin ni Tates ay sa mga get-together na ipinang-iimbita ni Cristy Fermin. O, kaya’y pag birthday ng isang kasamahan sa panulat.

Always present si Tates at siya ang nag-a-update sa amin ng whereabouts ni Mayor HB at ng mga project na ginagawa nito para sa QC. Siya ang unofficial First Lady ng QC at natatandaan pa rin namin, si Tates ang punong-abala sa pag-iimbita sa entertainment press noong birthday celebration ni Mayor HB sa isang 5-star hotel two years ago.

Mayor HB is turning 46 on May 12 this year. Ano naman kaya ang plano ni Kris Aquino for his birthday? Iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Did we hear it right, nasa abroad ngayon si Tates kasama ang dalawang anak nila ni Mayor HB na sina Athena at Harvey, 18 and 10 years old, respectively. Tama rin ba ang dinig naming hindi makakabalik ng Pilipinas ang mag-iina on or before Mayor HB’s birthday?

And more
Mamaya sa “Rhodora X,” magsisisihan sina Lourdes at Derrick. Di nila alam kung buhay pa o patay na si Rhodora. Muling pinagbantaan ni Nico ang pamilya ni Rhodora kung hindi pupunta sa kanya si Angela.

Nakahanda na ang yate na gagamitin nina Nico sa pagtakas. Tinawagan ni Angela si Nico. Sasama na raw siya.

comments