Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mum on brewing Tom-Carla romance

Mum on brewing Tom-Carla romance

TOM Rodriguez
by Rowena Agilada

JOKER talaga si Luis Manzano. Sabi ba naman niya, hinihintay na lang niya ang marriage proposal ni Angel Locsin at ready na siyang maging legal husband. Wish talaga ng kanilang fans and supporters na maging legally wedded couple na sila.

Mukhang hindi pa rin maka-move on ang ibang fans and supporters ng isang ex-girlfriend-actress ni Luis. Napikon na si Angel sa bashers niya sa Instagram na pinararatangan siyang malandi at mang-aagaw ng boyfriend. Marami pang below-the-belt na patungkol kay Angel, kaya hindi na siya nakatiis at pinatulan ang isang basher.

Ani Angel, huwag siyang baliktarin. Bagaman hindi niya pinangalanan, may mga malalandi raw umaaligid noong nag-break sila (hindi niya tinukoy na si Luis Manzano ’yun, pero obvious namang siya ’yun). Sinusubukan nilang ayusin, pero may mga malalandi pa rin sa tabi-tabi.

Sa mga nakabasa sa post na ’yun ni Angel sa kanyang Instagram account, hinala nilang hindi raw kaya si Jennylyn Mercado ang ex-GF na ’yun ni Luis? Just asking!

Nananahimik na si Jennylyn. Moving on na siya. So, sana naman, move on na rin ang kanyang fans and supporters. Sabi ni Jen, kahit wala siyang love life ngayon, masaya naman siya dahil meron siyang Alex Jazz (her 5-year-old son) who inspires her. Maging masaya na rin sana for her ang kanyang fans and supporters. Pwede?

Na-shock
First time ni direk Jun Lana nakatrabaho si Jake Vargas sa isang episode ng “Magpakailanman.” Two days silang nag-taping para sa “The Jamich Story” kung saan ginampanan ni Jake ang role bilang Jam na may lung cancer na stage 4 na.

“He (Jake) surprised me. May lalim na ang acting niya,” ani direk Jun nang nakausap namin sa taping ng MPK. Aniya pa, nalungkot siya noong i-present sa kanya ang story ni Jam. Na-shock siya dahil kilala niya si Jam. Ang bata-bata pa raw nito para magka-lung cancer. Ang dami pa raw sanang opportunities ni Jam who is only 24 years old.

Ayon kay direk Jun, ilalahad sa MPK ang love story ni Jam and his girlfriend Mich. Ayaw ng pamilya niya kay Jam dahil mas nakaririwasa sila sa buhay. Besides, sa murang edad, laman ng casino si Jam. Tambay siya roon at bagaman hindi siya naninigarilyo, ’yung madalas na pagkalanghap niya ng usok ng sigarilyo ang hinihinalang dahilan ng pagkakasakit niya.

Ayon pa kay direk Jun, ipapakita rin sa MPK ang mga pinagdaraanan ng pamilya ni Jam dahil sa kalagayan nito ngayon. “Importante ’yung suporta ng pamilya,” ani direk Jun. Si Yassi Pressman ang gumanap bilang Mich na ayon kay direk Jun, ay very professional at very talented. “She’s always dependable,” he said.

Palakpak-tenga naman si Yassi sa narinig niyang papuri sa kanya ni direk Jun. “Thank you, direk,” sabi ni Yassi.

No comment
Si Jun Lana rin ang direktor ng “So, It’s You,” pelikula nina Carla Abellana at Tom Rodriguez under Regal Entertainment. Sabi ni direk Jun, he loves working with Carla. “Parati niya akong sinosorpresa kung ano pa ang pwede niyang ibigay (acting-wise),” ani direk Jun.

Asked him kung may napansin ba siyang kakaibang kilos kina Carla at Tom during the shoot, napa-smile lang si direk Jun. “Ayokong magsalita. No comment. Sila na lang ang tanungin n’yo,” paduda effect na sabi ni direk Jun.

Timing kasi na nag-break sina Carla at Geoff Eigenmann bago mag-umpisa ang promotion ng “So, It’s You.” Showing ito on May 7 sa mga sinehan nationwide. May post pa sa kanyang Instagram account (o Twitter ba?) ang manager ni Geoff na si Perry Lansigan na something to this effect, “Hinay-hinay lang, nahahalata na sa promotion…”

May tsikang diumano’y smitten si Tom sa charm ni Carla noong nagkatrabaho sila sa “My Husband’s Lover.” Kaya lang daw, “taken” na noon si Carla. Tom naman has K-La Rivera hanggang ngayon.

comments