Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alex says she doesn’t need a man to complete her life

Alex says she doesn’t need a man to complete her life

Jackie Lou, Alessandra and Carl Guevarra

by Rowena Agilada

SEVEN years nang loveless si Alessandra de Rossi, pero aniya, hindi siya naghahanap ng magiging boyfriend. She’s happy being single at hindi niya raw kailangan ang isang lalaki para maging complete siya. “Hindi ko priority ang magkaroon ng boyfriend. Masaya ako na may trabaho ako. Dalawa ang show ko sa GMA7, ‘Basta Every Day Happy’ at ‘Ang Dalawang Mrs. Real.’ Sana tuluy-tuloy ang trabaho ko,” pahayag ni Alessandra sa presscon ng “Basta Every Day Happy.” Magsisimula ito ngayong Lunes at 11 a.m.

Nilinaw rin niya ang isyu sa kanila ni Sid Lucero. Ani Alex, walang namamagitan sa kanila at magkaibigan lang sila. Nagkasama sila sa ilang projects na ginawa nila at recently lang ay nag-shoot sila sa Quezon. ’Yun lang ’yun! Nagtataka si Alex kung bakit na-link sila ni Sid.

Si Sid ang dapat may linawin dahil may tsikang diumano’y hiwalay na sila ng partner niyang si Bea Lao na ina ng kanyang anak.

Sinusuyo muli
Sabi ni Carl Guevarra, hindi “sila” ngayon ni Kris Bernal, but getting there. Magkasama silang nagbakasyon sa Japan kamakailan lang kasama ang mommy at dalawang kapatid ni Kris. Ani Carl, matagal nang naka-book ang Japan trip nila.

Ayaw na nga niya sanang sumama dahil nagkalabuan ang relasyon nila ni Kris. May ginawa kasi siyang hindi nagustuhan ni Kris, kaya brineyk siya nito. Days before ng iskedyul nila papuntang Japan, tinawagan siya ni Kris kung sasama siya. Naayos na raw kasi ang visa niya (Carl) na ang mommy ni Kris ang nag-asikaso. Sayang naman daw kung hindi siya sasama.

KKB (kanya-kanyang bayad) sila sa biyahe nila sa Japan, ayon kay Carl. Medyo naiilang nga raw siya sa mommy ni Kris. Pero sobrang bait daw nito sa kanya. Si Kris daw, close na sa family niya, ani Carl.

Mother’s Day ngayon at ayon kay Carl, bibigyan niya ng flowers ang kanyang mommy at iti-treat niya ito ng dinner. Give rin kaya siya ng flowers sa mommy ni Kris? Ito kaya ang suyuin muna ni Carl para matulungan siya nito sa panunuyo niyang muli kay Kris to win her back? Pakipot pa kasi at hele-hele bago quiere ang Kapuso actress.

Siyanga pala, watch Carl tonight sa “More Than Words” sa TV5 at 9 p.m. Mother’s Day presentation ito at first project ni Carl sa Kapatid Network. Tampok sina Sarah Lahbati, Jackielou Blanco, Alice Dixson at Ariel Rivera.

Affected
Tulad ng kanyang mommy (Pilita Corrales), glamorous lola na rin si Jackielou Blanco. May apo na siya sa panganay nilang anak ng estranged husband niyang si Ricky Davao. Tatlo ang anak nila, sina Kenneth, Arabella at Ricki Mae.

As a mom, loving, caring, understanding, and supportive siya, ayon kay Jackielou. “Masarap na mahirap ang maging isang ina. You have to respect your children. You have to learn how to listen to them, hold back if needed. It’s a give and take relationship between the mother and the kids,” wika ni Jackielou sa presscon ng “More Than Words” kung saan gumaganap siya bilang ina-inahan ni Sarah Lahbati. Ampon nila ito ni Ariel Rivera who plays Jackielou’s husband.

Ani Jackielou, sobrang affected siya sa mga eksena nila ni Sarah. Parati siyang galit sa anak-anakan niya. “It was hard for me. Gusto ko siyang yakapin dahil awang-awa ako. Pero kailangan sa karakter ko na galit ako sa kanya. Nakita ko kay Sarah ang lalim ng akting niya. May pinaghuhugutan. I saw her sa teleserye (‘Makapiling Kang Muli’) with Richard Gutierrez and Ricky Davao. Magaling si Sarah,” saad ni Jackielou.

comments