Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Donita Rose working on body, wants to be on FHM cover again

Donita Rose working on body, wants to be on FHM cover again

DONITA Rose

by Rowena Agilada

“Ang kapal ng mukha ni Anne Curtis. Di n’yo ba alam, ako ang original Anne Curtis? Kumakanta rin ako noon at lahat ng lugar, napuntahan ko. Hindi lang ako nakarating sa Araneta Coliseum (laughs),” pabirong sabi ni Donita Rose sa amin noong presscon ng “Basta Every Day Happy (BEDH).”

Nag-throwback si Donita na during her younger years at bago pa lang siya sa showbiz, kahit sintunado siyang kumanta ay madalas siyang maiimbitahan sa out-of-town shows. “Dinadaan ko na lang sa ganda at kapal ng mukha (laughs),” she said.

O, di ba, ganyan din si Anne? Ganda-gandahan lang at makapal din ang face at feeling singer.

Ayon pa kay Donita, naging FHM cover girl siya noong 20 something pa lang siya sa Thailand, Malaysia at Philippine editions. “Gusto ko uli mag-FHM. Ang goal ko this year ay magpapayat. Nag-uumpisa na ako mag-workout. I can be sexy naman even without baring, di ba?” sambit ni Donita.

Watch her today sa pagsisimula ng BEDH at 11 a.m. sa GMA7 at tingnan kung pwede pa siyang mag-FHM. Mukhang malaki pa ang dapat ibawas sa timbang ni Donita para maging hot mama cover ng naturang men’s magazine.

Multi-tasker
Multi-tasker ang description ni Gladys Reyes sa kanyang sarili. She’s a wife, mother, daughter, actress,TV host, producer, writer, talent coordinator (“Moments”) at MTRCB board member. Tatlo ang anak nila ng husband niyang si Christopher Roxas at ani Gladys, 21 years na sila together.

Aniya pa, four hours lang ang tulog niya sa rami ng ginagawa niya everyday of her life. “Minsan, matutulog na lang ako at saka gumagana ang isip ko sa mga idea para sa show ko (‘Moments’). Ang dami kong gustong inputs,” saad ni Gladys.

Despite her super hectic schedule, she sees to it na may time siya for her family. Tinuturuan niya ng magagandang values ang mga anak nila ni Christopher, lalo na ang pagmano sa mga matatanda, ang pagsabi ng po at opo. Every Sunday, may kids church sa Iglesia ni Cristo (INC) at sinasamahan nila ni Christopher ang mga anak nila.

Naglalaan din si Gladys ng oras para sa kanyang daddy at mommy. May breast cancer ang mommy niya at nagkaroon ito ng remission. Thankful si Gladys na getting better ang kundisyon ng mommy niya. Recently, isinama nilang mag-anak ang parents niya sa Malvar, Batangas at doon sila nag-celebrate ng Mother’s Day.

Nadagdagan na naman ang trabaho ni Gladys dahil may bago siyang show sa GMA7, ang “Basta Every Day Happy.” Hindi kaya mawalan na siya ng oras para sa kanilang dalawa ni Christopher? “Naku ’yun ang hindi pwedeng mawala. Humahanap kami talaga ng oras para sa intimate moments namin (laughs),” sambit ni Gladys.

Mutual decision
Isang 19-year-old Filmmaking student ng La Salle Benilde ang dine-date ngayon ni Steven Silva. Nagkakilala sila thru common friends. Recently, magkasama sila sa Boracay para sa isang event na ginanap doon.

Friends pa rin sila ng ex-girlfriend niyang Kapuso star na si Diva Montelaba. Last year sila nag-split at mutual decision nila ’yun, ayon kay Steven. Petty quarrel ang dahilan ng kanilang hiwalayan. They were together for two years, ayon sa GMA Artist Center talent.

“We both decided na mag-focus muna kami sa respective careers namin. No bad blood when we broke up. We still talk whenever we get to see each other sa GMA Network” lahad ni Steven. What excites him ay bahagi siya ng international TV musical series na “The Boston.” He cannot wait any longer na maipalabas ito next month sa Lifestyle channel.

comments