Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Miko buhay pa rin sa puso ni Angel

Miko buhay pa rin sa puso ni Angel

by Rowena Agilada

MIKO SottoBIRTHDAY ni Miko Sotto last May 10 at 32 years old na sana siya kung hindi siya namatay in 2003. Thoughtful ever si Angel Locsin sa pag-alala sa namayapa niyang ex-boyfriend at binati niya si Miko sa kanyang Instagram Account (IG). “Happy birthday Miks! RIP (0510820-01229030)” ang post ni Angel.

Dec. 29, 2003 namatay si Miko nang aksidenteng nahulog siya mula sa 9th floor sa balkonahe ng kanyang condominium unit. Mag-e-eleven years nang patay si Miko, pero never siya nawala sa alaala ni Angel. Kapag death anniversary ni Miko, nagpo-post din ng mensahe ang aktres sa kanyang IG.

Mukhang first love never dies sa kaso ni Angel, kahit sinasabi niyang sobrang mahal niya ang current boyfriend niyang si Luis Manzano. ’Buti na lang, sobrang understanding si Manzano at hindi isyu sa kanila ni Angel kung hindi pa rin nito nakakalimutan si Miko.

What’s wrong naman? Patay na ’yung tao at hindi na pwedeng maging kaagaw ni Luis sa pagmamahal niya kay Angel. Magselos si Manzano kung si Phil Younghusband na buhay na buhay ang binibigyan ng mensahe ni Angel sa kanyang IG. ’Heard, wala pa raw bagong GF ang ex-boyfriend ni Angel.

KC ConcepcionBonding moments
Enjoy to the max talaga si KC Concepcion sa kanyang US vacation. May bonding moments pa sila ng half-sister niyang si Garie (anak ng kanyang papa Gabby kay Grace Ibuna).

Nai-post ni KC sa kanyang Instagram account ang picture nilang magkapatid noong nagpunta sila sa Disneyland. Hinahalikan ni KC sa pisngi si Garie na ang background nila’y ang sleeping beauty castle. Ang caption ni KC: “Hello everyone. We just wanna say hiiii! from Disneyland seesturrs (as in sisters) making up for all that time we didn’t have together when we were much younger.”

Sa isang post pa ni KC, sinabi niyang nami-miss niya ang iba pa niyang half-siblings na sina Frankie, Miel (mga kapatid niya sa kanyang mama Sharon Cuneta at stepdad na si Kiko Pangilinan) at Chloe (anak naman ng kanyang papa Gabby kay Jenny Syquia).

Ang haba naman ng post ni KC sa kanyang IG nang batiin niya noong Mother’s Day ang kanyang mama Sharon Cuneta. May picture pa silang mag-ina noong bata pa si KC at early 20s pa lang ang edad ni Sharon. Bahagi ng caption ni KC: “She’ll always be one of the most beautiful, feisty, passionate women I know. My one and only mommey.” For sure, sobrang touched si mega mom sa buong caption ng kanyang sweet and thoughtful eldest daughter.

SS reunion
Sa pagsisimula pa lang ng “Rhodora X,” wish na nina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi na makasama nila si Rainier Castillo. Reunion daw sana ito nilang apat na produkto ng “Starstruck 1.”

Kaso lang, si Martin del Rosario ang bagong dagdag na karakter sa “Rhodora X.” Management decision ’yun na nirerespeto nina Mark, Jennylyn at Yasmien. Hanggang June pa naman ang airing ng “Rhodora X.” Malay natin, maisipan ng GMA7 na i-guest si Rainier?

Nag-reunion naman sa “Basta Every Day Happy (BEDH)” ang “Starstruck 1.” Halos kumpleto sila at sina Cristine Reyes (nasa ABS-CBN na), Sheena Halili (nasa Boracay) at Tyrone Perez (SLN) lang ang wala. Ang gandang panoorin ng SS1 sa BEDH. ’Andun si Nadine Samonte na buti’y pinayagan ng TV5.

Si Rainier ang first na ka-love team ni Yasmien Kurdi onscreen at aniya, first kiss niya si Rainier. Pero si Sheena Halili ang naging GF ni Rainier. Gumawa rin siya ng ilang proyekto sa TV5 at wish ng fans na bumalik na siya sa GMA7. Wait na lang tayo kung kukunin siyang muli ng Kapuso Network.

comments