Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Annabelle, di naniniwalang walang sex life si Ruffa

Annabelle, di naniniwalang walang sex life si Ruffa

RUFFA Gutierrez

by Rowena Agilada

HINDI naniniwala si Annabelle Rama na walang sex life si Ruffa Gutierrez. Guests ang mag-ina sa “Ganda Gabi Vice” at tinanong sila ni Vice Ganda kung kailan sila huling nakipag-sex. “Last week,” walang kagatul-gatol na sagot ni Annabelle. Si Ruffa ay nagsabing matagal na siyang walang sex life. “I don’t believe you Ruffa!” sabad ni Annabelle. Hindi na humirit pa si Ruffa at may I-smile na lang siya. Si Annabelle talaga! Nakakaloka basta ibinuka ang kanyang bibig.

Aniya pa, malandi siya noong kabataan niya at ayaw niyang gayahin siya ni Ruffa. She was 17 years old noong nakipag-live-in siya kay Eddie Gutierrez. Mas lalo tuloy kaming na-curious abangan ang reality show ng kanilang pamilya ang, “It Takes Gutz to Be a Gutierrez” dahil for sure, marami pang revelations si Annabelle tungkol sa kanilang pamilya. Isang big reveal nga ang inaabangan ng lahat. Malapit nang mapanood ang kanilang reality show sa E-Channel (Skycable No. 57).

Samantala, busy-bisihan si Ruffa sa promotion ng “Maybe This Time” topbilled by Coco Martin and Sarah Geronimo under Star Cinema. Showing ito on May 28 sa mga sinehan nationwide.

Bagong pasabog
In the news na naman ang Barretto sisters sa latest pasabog ni Claudine Barretto laban sa mga kapatid niyang sina Gretchen at Marjorie. As always, kampi ang mommy Inday nila kay Claudine.

Super hate ni Claudine sina Gretchen at Marjorie. Aniya, patay na para sa kanya si Marjorie dahil pi nagaway sila ni Gretchen. Sinungaling naman daw si Gretchen dahil sa kung anu-anong mga pinagsasasabi nito.

Sabi pa ni Claudine, fake ang kasal nila ni Raymart Santiago. Pero ayon sa abogado ng Kapuso actor na si Atty. Ruth Castelo, legal ‘yung civil wedding nina Raymart at Claudine sa Isabela on May 2, 2004. Na-late lang daw ito ng registration. Sabi pa ni Claudine, pinagsisisihan niyang nagpagkasal siya uli kay Raymart on March 27, 2006 na gina nap sa Tagaytay.

A week ago or so, may pahayag si Claudine na gusto niyang magkaayos na sila ni Raymart. Inimbita pa niya ito sa isang event ng anak nilang si Sabina this month. Gusto raw niyang ‘andun ang tatay ng anak niya para saksihan ang mahalagang event na ‘yun sa buhay ni Sabina. Pumunta pa kava si Raymart matapos ang bagong pasabog ni Claudine?

RYZZA MaeAnak ng katulong
Dati palang katulong ang mommy ni Ryzza Mae Dizon. Twelve years old pa lang ito ay namasukan na bilang katulong. Sobrang hirap ng buhay nila noon at karton lang ang tinutulugan nila. Ipinagtapat ito ng mommy ni Ryzza kay Jessica Soho sa “Kapuso Mo Jessica Soho” (GMA7).

Sobrang liit ng bahay nila noon. Pero ngayon, dahil kay Ryzza ay may maganda at komportable na silang tirahan. Naka-aircon na sila. May sarili na rin silang sasakyan na ang mommy ni Ryzza ang nagmamaneho.

Bukod sa kinikita ni Ryzza sa “The Ryzza Mae Show,” “Eat Bulaga” at “Vampire ang Daddy Ko,” may extra income pa siva mula sa mga product endorsement niya. Sabi ng kanyang mommy, ang perang pinagtatrabahuhan ni Ryzza ay inilalaan niya para sa pagaaral nilang magkakapatid. Gusto niyang mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak niya. Imagine, si Aling Maliit, malaki na ang kinikita at eight years old? Sabi nga, “Strike while the iron is hot.”

comments