Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ai-Ai swears it’s tight

Ai-Ai swears it’s tight

AI AI Delas Alas

by Rowena Agilada

PERFECT endorser si Ai-Ai de las Alas ng bagong procedure ng Belo Medical Group (BMG) called Femilift or vaginal tightening. Ayon kay Dra. Vicki Belo, popular ito sa United Kingdom at Middle East. Ang BMG ang unang may ganitong procedure sa South East Asia.

Ten-minute procedure ito, painless and non-surgical. Three sessions ito, once a month for three months at P35,000 per session. Dra. Vicki assures na safe ito at walang side effects. Bawal lang makipag-sex three days after ng procedure.

Ai-Ai has three grown-up children at aniya, feeling like a virgin siya matapos siyang magpa-Femilift. Highly recommended niya ito sa mga babaeng nanganak via normal delivery. “Para maging masaya ang asawa (o mga asawa) o boyfriend nila. Hindi na sila maghahanap ng ibang partner. At saka, nakakadagdag ito ng self-confidence,” saad ni Ai-Ai.

Hindi naman daw siya na-offend nang alukin siya ng BMG maging endorser ng Femilift. “Landscaping” or “Flower arrangement” ang colloquial terms sa ganitong procedure, ayon kay Dra. Vicki.

Sa presscon cum contract-signing ni Ai-Ai bilang endorser ng Femilift, pabirong sinabi niyang searching siya sa magiging BF or partner niya. “Para masubukan ang ginawang procedure sa akin (laughs). Ayokong pumatol sa matandang may asawa. Sa bata na lang ako para hindi ako makakasira ng pamilya,” words to that effect na sabi ng Comedy Queen.

Just curious, after Ai-Ai, sino-sino kaya ang female celebrities na magiging open sa pag-a-undergo ng Femilift procedure?

Arte-artehan pa rin
Arte-artehan pa rin si Lovi Poe sa totoong estado ng relasyon nila ni Rocco Nacino. Ayaw pa rin niyang bigyan ng label ang relasyon nila. Hindi pa rin niya diretsang maamin na may “something special” na namamagitan between them. Magkasama na nga silang nagbakasyon sa Europe, paduda effect pa ang Kapuso actress.

Magkatabi ang hotel rooms nila na ani Lovi, may connecting door at hindi naka-lock. Pwede raw pumasok si Rocco. So, ano’ng pwedeng isipin sa sinabi ni Lovi?

Sabi ng BFF (Best Friend Forever) niyang si Heart Evangelista, kapag nagmahal si Lovi, bigay-todo. Bakit nga ba hindi diretsang maamin ni Lovi na “sila” na ni Rocco? May nagbabawal ba?

Sabagay, hindi rin inamin ni Lovi ang relasyon nila noon ni Jake Cuenca. Pero inamin ’yun ng aktor sa isang presscon. Si Rocco naman, “what you see is what you get” ang press release sa estado ng relasyon nila ni Lovi.

Buhay pa
Sa “Rhodora X,” buhay pa pala si Nico at siya ang boss ni Martin. Princess na ang bagong pangalan ni Jenna. Sina Angela at Martin ang kinikilala niyang mga magulang.

Iimbitahin ng mga ito sina Joaquin at Rhodora sa 8th birthday ni Princess. Magkaalaman na kaya ng katotohanan?

comments