Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mark Anthony ipinagtanggol si Claudine

Mark Anthony ipinagtanggol si Claudine

Mark Anthony Fernandez (rhodora x)

by Rowena Agilada

FIRST time nagkatrabaho sina Ruffa Gutierrez at direk Jerry Lopez Sineneng sa “Maybe This Time” under Star Cinema. Ani direk Jerry, akala niya’y mataray si Ruffa, kaya kabado siya. Naiba ang impression niya noong nagkasama na sila sa set ng MTT. Ani direk Jerry, mabait pala si Ruffa at masarap katrabaho.

Ayon naman kay Ruffa, nang alukin siya ng Star Cinema para gumawa ng pelikula at nalaman niyang sina Sarah Geronimo at Coco Martin ang mga kasama niya, go agad siya. “Nakaka-bagets working with Sarah and Coco. It’s such an honor to be part of this film. Huwag sana magalit sa akin ang fans ni Sarah,” pahayag ni Ruffa.

May eksena kasi sa MTT na tinarayan ni Ruffa si Sarah at kung anu-ano ang sinabi niya. Ruffa plays Monica na girlfriend ni Tonyo (Coco). Boss siya (Monica) ni Steph (Sarah) sa isang PR firm. Unang nagkarelasyon sina Tonyo at Steph, pero napilitan silang maghiwalay dala ng mga sirkumstansya na hindi nila kontrolado.

Sa ipinakitang trailer ng MTT noong presscon, may kilig factor ang tambalan nina Coco at Sarah. May kissing scene sila na ewan kung natuloy dahil bitin ang pakita. Ayaw kasi sabihin ni direk Jerry at abangan na lang daw.

Mahirap maging pogi
Last two weeks na lang ang “Rhodora X” at given a choice, gusto ni Mark Anthony Fernandez na comedy naman ang next project niya. Ayaw raw niyang ma-typecast na parati na lang drama ang ginagawa niya. “Enjoy kasi pag comedy. Magaan lang ang trabaho. Masaya,” ani Mark nang nakausap namin sa pocket presscon ng “Rhodora X.”

Aniya, marami pang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos nito. Marami pang pasabog at twists na mangyayari sa istorya.

Habang naghihintay siya ng panibagong project, magpapapayat muna siya, ani Mark. Wala naman daw siyang fat memo mula sa GMA7 kundi gusto ng manager niya (Dondon Monteverde) na magpapayat siya.

May bagong baby si Mark. Aniya, kapapanganak pa lang ng misis niyang si Melissa a month ago. Pinangalanan nila itong Rudolf (sunod sa pangalan ng yumaong papa Rudy Fernandez ni Mark). Second child ito nina Mark at Melissa na ang panganay ay si Cameron.

Ayon kay Mark, apat ang anak niya with three different women. Ang una’y si Chelsea. Ang nag-aartistang anak ni Mark na si Gray ay iba ang nanay. “Mahirap maging pogi,” joke ni Mark.

Natanong si Mark tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto at aniya, hindi siya naniniwala sa mga naglalabasang isyu tungkol sa pamilya nito. Hindi rin siya naniniwala na laos na si Claudine. “Mabait si Claudine,” pagtatanggol pa ni Mark sa kanyang ex-GF. Bulong tuloy ng katabi naming reporter, “Greatest love niya kasi si Claudine.”

Sabi pa ni Mark, noong bata-bata pa siya’y para siyang si Rhodora X. Magulo raw kasi ang isip niya noon. “May hinahanap ako noon na parang kulang sa buhay ko,” sambit ni Mark.

No show
Hindi nakarating si Mark Herras sa pocket presscon ng “Rhodora X.” May sakit daw ang Kapuso actor. Hindi kaya umiwas si Mark matanong kung totoo bang sinuspinde siya ng GMA dahil sa mga pahayag niya sa mga entertainment writer na dumalaw sa set ng “Rhodora X” tungkol sa mga natanggal na kasama nila sa SAS (“Sunday All Stars”)?

Naging vocal si Mark sa pagsasabi ng kanyang saloobin hinggil sa mga natanggal at sa mga bagong pasok sa SAS.

Itatanong din sana kay Mark kung bakit hindi natuloy ang binyag ng anak niyang si Ada last May 14. Si Jennylyn Mercado ang nagsabing hindi ’yun natuloy at clueless siya kung ano’ng dahilan.

comments