Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Miguel at Renz parehong may crush kay Bianca

Miguel at Renz parehong may crush kay Bianca

by Rowena Agilada

Miguel Tanfelix TMNGFOR a change, mabait ang karakter ni Katrina Halili sa “Niño,” bagong primetime series ng GMA7 na mapapanood simula sa Lunes, May 26, pagkatapos ng “24 Oras.” Title role ang gagampanan ng Kapuso tweenstar na si Miguel Tanfelix.

Katrina plays Hannah, mother ni Niño, isang 15-year-old boy na may mental incapacities. Hindi isyu kay Katrina ang mother role dahil in real life ay nanay na siya ng isang one-and-a-half-year-old daughter named Katie, courtesy of Kris Lawrence.

Nasanay si Katrina sa kontrabida role sa mga ginawa niyang teleserye sa Kapuso Network at aniya, medyo naninibago siya sa mabait niyang karakter sa “Niño.” “Matagal kong inasam ang ganitong role dahil gusto kong maipakita na kaya ko ring maging mabait. In real life, mabait naman ako (laughs),” saad ni Katrina.

Kumusta naman sila ni Kris Lawrence? “Okey kami,” ani Katrina. She stressed, hindi sila live-in partners at wala pa silang balak magpakasal. “Ayoko pa. Gusto kong ipamulat sa anak ko paglaki niya na hindi dapat siya makipag-livein hanggang hindi pa sila kasal ng boyfriend niya,” ani Katrina.

Bulong ng katabi naming entertainment writer, “May anak na nga sila ni Kris. Nauna pa ang baby sa kasal.” Naman!

Big challenge
Malaking challenge kay Miguel Tanfelix ang role niya sa “Niño.” Bulol at pautal-utal siyang magsalita at aniya, kahit kapag nasa bahay siya’y nagpapraktis. Pinagtatawanan nga raw siya ng mga kasama niya. Biggest break ever ito ni Miguel na produkto ng “Starstruck Kids.” Hindi siya ang winner, kundi si Kurt Perez, pero si Miguel ang nagpatuloy sa kanyang showbiz career. Nasa Australia na si Kurt.

Ka-batch nila si Bea Binene na gaya ni Miguel ay aktibo pa rin sa showbiz. Si Sam Bumatay ang nanalo, pero gaya ni Kurt, waley rin ang career ito. Mga bituing walang ningning.

Si Bianca Umali ang ka-love team ni Miguel sa “Niño” at inamin niyang crush niya ito. “Mabait, maganda, masarap siyang kasama at katrabaho,” wika ni Miguel. Huli silang nagkatrabaho sa “Mga Basang Sisiw.”

Teen love triangle
Kasama rin sa cast ng “Niño” si Renz Valerio na umamin ding crush niya si Bianca Umali. He plays Rafael at magkapatid sila ni Niño (Miguel). Bad guy si Renz dahil may selos at inggit factor siya kay Niño.

Magkakagusto rin siya kay Bianca (as Angelica). “Uy! parang real-life,” joke ng press kay Renz. “Ay! Hindi po. Magkakaibigan po kaming tatlo. Halos sabay po kami ni Miguel pumasok sa GMA. Nagkasama kami sa ‘All My Life’ with Aljur Abrenica and Kris Bernal. Nagkasama rin po kami sa ‘Mga Basang Sisiw.’ Okey po kami ni Miguel. Alam namin ang sikreto ng isa’t isa (laughs),” lahad ni Renz.

Parehong 15 years old sina Miguel at Renz, 14 naman si Bianca. Incoming 4th year high school si Renz sa St. John’s Worth Montessori sa Antipolo, gano’n din si Miguel na nag-aaral sa Cavite School of Life sa Dasmarinas, Cavite. Home Study program naman si Bianca at Grade 8 na siya sa pasukan.

* * *
Mamaya sa “Rhodora X,” sumabog sa galit si Nico nang muli siyang talikuran ni Angela. Sinita niya si Martin. Napag-isip ni Rhodora na lumayo na silang pamilya.

Itatakas sana ni Angela si Jenna/ Princess, pero nahuli sila ni Rhodora. Nagsumbatan at nag-away na naman ang magkapatid. Nalito si Jenna/Princess.

comments