Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gabby plays gay

Gabby plays gay

Gabby Eigenmann

by Rowena Agilada

’KALOKA at kaaliw ang tsika tungkol sa isang reporter at sa isang aktres. Inimbita ng reporter sa kanyang birthday party ang aktres. Dumating naman ito na may dalang regalo. “Nag-abala ka pa. Sapat na ’yung pumunta ka sa birthday ko. Masaya na ako,” wika ng reporter.

“Ingatan mo ’to (gift). Magagamit mo ’to,” sey ng aktres. Natuwa naman ang reporter, kaya pagkatapos ng party at pag-uwi niya ng bahay, excited niyang binuksan ang regalo ng aktres. Manipis ’yun na akala niya’y wallet. Pagbukas niya ng regalo, lalagyan ng paper clip ang laman. Natuwa kaya ang reporter? Ano sa palagay n’yo?

Flirt?
Napag-usapan sa isang umpukan ng mga reporter ang isang aktor, ang ex-girlfriend nito at ang aktres na diumano’y current apple of his eye. Tanong ng isang reporter, ano raw kaya meron ang current apple of his eye at nagawang ipagpalit ng aktor ang ex-GF? Ganda-wise, hindi naman kagandahan ang current apple of his eye, kumpara sa ex-GF ng aktor.

May boyfriend ang current apple of his eye at nakipag-break ito na ikinawindang ni boyfriend. Kumpara kay boyfriend, mas sikat si aktor at malakas ang appeal kaya siguro na in love si aktres.

“Baka mas magaling lumandi si aktres, kesa sa ex-GF ni aktor?” tanong ng isang reporter.

“Malamang,” sabad ng isang reporter. “Noon kasing kasama si aktres sa isang youth-oriented show, magaling siya mag-flirt sa mga kasama niyang teen actors.”

’Yun na!

Big pressure
Excited, kinakabahan si Gabby Eigenmann sa bago niyang afternoon prime series na mapapanood sa GMA 7 on June 23. Title role ang naka-assign sa kanya sa “Dading” kung saan gaganap siya bilang isang bading. Aniya, malaking pressure noong binabasa pa lang niya ang storyline.

Bagama’t nakaganap na si Gabby ng gay role sa isang episode ng “Magpakailanman,” iba itong “Dading” dahil full-length series ito, di gaya ng “Magpakailanman” na isang episode lang ’yun.

Dagdag pressure rin kay Gabby na ang daddy niyang si Mark Gil at ang kanyang tito Michael de Mesa ay kapuwa mahusay gumanap bilang bading. Hindi maiiwasang ikumpara si Gabby sa mga ito.
Kasama sa cast ng “Dading” sina Glaiza de Castro, Benjamin Alves, Chynna Ortaleza, Gardo Verzosa,Mymy Davao, Toby Alejar. Mula sa direksiyon ni Ricky Davao.

Next project
Nagtatanong at naiinip na ang fans ni Dennis Trillo kung kailan daw ba magkakaroon ng bagong project sa GMA ang idolo nila? Matagal nang tapos ang “My Husband’s Lover.”

May nagsa-suggest, bakit daw hindi pagsamahin sina Dennis at Jennylyn Mercado? Final week na ngayon ng “Rhodora X” at maganda raw sana kung ang next
project ni Jen ay si Dennis naman ang kapareha niya.

After Mark Herras na ex-boyfriend at ka-partner ni Jen si “Rhodora X,” why not a reunion project with Dennis na ex-BF din ni Jen?

comments