Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vic and Coney remain good friends to-date

Vic and Coney remain good friends to-date

CONEY Reyes

by Rowena Agilada

TINANONG namin ang isang taong super close kay Coney Reyes kung bakit dalawang beses itong nagtangkang magpakamatay. Sinabi ito ni Coney noong nag-guest siya sa “Startalk.”

Sinabi ng kausap namin ang totoong dahilan. Pero ipina-off-the-record na lang nito bilang respeto sa taong involved. Sobrang depressed daw talaga si Coney sa ginawa sa kanya ng taong ’yun.

Nope! Walang kinalaman si Vic Sotto na ex-boyfriend ni Coney. Maganda ang naging relasyon nila noon at nagbunga pa ang pagmamahalan nilang ’yun. Ang anak nilang si Vico ay isa nang abogado ngayon at nagtatrabaho sa isang law firm.

Kahit noong nag-break sina Vic at Coney, nanatili silang magkaibigan… hanggang ngayon. Nagkikita sila tuwing weekend. Nagpupunta sa bahay niya si Vic, nagdi-dinner not because of her, kungdi dahil sa anak nila.

Natatandaan pa namin ang sinabi ni Vic sa isang interbyu noon na kung may babalikan siya sa kanyang ex-GFs, si Coney ang gusto niya. Sinabi naman ni Coney sa “Startalk” na mahal pa rin niya si Vic bilang tatay ng anak niya. Affected siya kapag may nababalitaan siya tungkol sa mga babaeng nakakarelasyon ni Vic dahil alam niyang apektado ang anak niya.

Balik-GMA si Coney at kasama siya sa cast ng “Ang Dalawang Mrs. Real.” She plays Sonia Real, mother ni Anthony (Dingdong Dantes). Per show ang kontrata niya sa GMA at aniya, ipinagdasal pa niya kung tatanggapin o hindi ang offer ng Kapuso Network para makasama sa cast ng “Ang Dalawang Mrs. Real.”

Ite-text ang BF
Si Paolo Ballesteros ang co-host ni Marian Rivera sa dance show nito titled “Marian.” Personal choice siya ni Marian, kaya natuwa naman siya, ani Paolo.

Nagkatrabaho sila sa “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang” at “Dyesebel.” Ninang pa si Marian ng 5-year-old daughter ni Paolo. Magkasama rin sila sa “Juan for All, All for Juan” segment ng “Eat Bulaga.”
“Luka-luka rin si Marian (laughs),” ani Paolo. “Masarap siyang kasama at katrabaho. Walang arte.”

When told na kahawig siya ni direk Paul Soriano, ang boyfriend ni Toni Gonzaga, an’ya, “Pag nagkita kami ni Toni, hihingin ko ang number ni Paul, ite-text ko siya (laughs),” sabi ni Paolo.

First single
Ilo-launch sa SAS (“Sunday All Stars”) ang first single ni Kylie Padilla, “Gitara” mula sa kanyang debut album, “Seasons” under GMA Records. Pwede itong i-download sa iTunes. Sa June 29 ang album launch at CD format nito. Eight OPM songs ang nakapaloob sa album na sinulat lahat ni Kylie.

comments