Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lovi naghahanda, ayaw mapahiya kay Maricel

Lovi naghahanda, ayaw mapahiya kay Maricel

Dingdong Dantes and Lovi Poe

by Rowena Agilada

LOOKING forward si Lovi Poe to doing many scenes with Maricel Soriano in “Ang Dalawang Mrs. Real” Ani Lovi, alam niyang marami siyang matututunan mula sa Diamond Star, kaya sobrang excited siyang katrabaho ito.

First time nila to work together at ani Lovi, talagang pinaghahandaan niya ang bawat eksenang pagsasamahan nila dahil ayaw niyang mapahiya kay Maricel. “She’s a very good actress and multi-awarded pa,” she said.

Wala pa silang eksenang magkasama dahil sa Cebu ang madalas location shoot ni Lovi with Dingdong Dantes. She plays Shiela Salazar, isang Cebuana vendor na bibihag sa puso ni Anthony (Dingdong). Unknown to her, may asawa na ito nang magpakasal sila. Si Maricel ang unang pinakasalan ni Anthony. Wala silang anak, kaya nag-ampon sila.

Nagkaanak sina Anthony at Shiela, kaya ipaglalaban niya ang kanyang karapatan alang-alang sa kanilang anak. Mamayang gabi na ang premiere telecast ng “Ang Dalawang Mrs. Real” sa GMA Telebabad.

Bitin
Bitin ang fans ni Tom Rodriguez sa appearance niya sa “Nino” dahil pinatay agad ang karakter niya bilang Gabriel. Cameo role lang talaga ang kay Tom dahil may teleserye siya with Carla Abellana and Rhian Ramos. “Kunin Mo Na ang Lahat sa Akin” ang working title.

Kung tama kami, ito ang ipapalit sa “Kambal Sirena” na malapit nang matapos. Sana this time ay makabawi sina Tom at Carla sa muli nilang pagsasama sa isang project ng GMA-7. ‘Heard na diumano’y hindi satisfactory ang box-office results ng “So It’s You.” Baka naman wrong movie project ito for Carla and Tom?

What about Geoff Eigenmann na ex-boyfriend ni Carla? Ano naman kaya ang next project niya after “Adarna” with Kylie Padilla? At ano rin kaya ang next project ni Kylie na kinumpirmang break na sila ni Aljur Abrenica?

Ano kaya ang masasabi ni Aljur sa mga pahayag ng kanyang ex-GF sa “Startalk” tungkol sa kanilang break-up? Malabo na nga ba silang magkabalikan? Sayang dahil that time na together pa sila, sweet-sweetan sila at sobrang proud sa pagsasabing mahal na mahal nila ang isa’t isa.

One thing in common
Napag-usapan sa isang umpukan ng mga reporter ang isang aktor at isang aktres na parehong mahusay umarte. May one thing in common daw ang mga ito kapag iniinterbyu. Nakakahilo ang mga pinagsasasabi na paliguy-ligoy na hindi maintindihan.

Sa isang presscon ay nainterbyu ang aktor. Dahil mabait naman, pinagtiyagaan na lang siyang kausapin ng mga reporter kahit nakakahilo ang mga sagot ng aktor sa mga tanong. Puna pa ng mga reporter, pinagpapawisan at parang init na init ang aktor, samantalang ang lamig ng aircon sa venue.

Nahilo rin at “maloka-loka” ang mga reporter na nag-interbyu sa aktres sa isang presscon. Ang lalayo ng mga sagot nito sa mga tanong. Pansin pa ng mga reporter, parang hirap o utal sa pagsasalita ang aktres. Hindi raw kaya dahil nagpabago ito ng dentures? Joke nga ng mga reporter, ano raw kaya kung pagsamahin sa isang project ang aktor at ang aktres?

comments