Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Liesel to Kylie: ‘Wag makipagbalikan kay Aljur’

Liesel to Kylie: ‘Wag makipagbalikan kay Aljur’

POKWANG and Zanjoe Marudo

by Rowena Agilada

MATAPOS aminin ni Richard Gutierrez sa pilot episode ng “It Takes Gutz to Be a Gutierrez” na may anak na nga sila ni Sarah Lahbati, kaabang-abang ang second episode ng ITGTBAG this Sunday (June 8) dahil ipapakita na ang kanilang baby na pinangalanan nilang Zion.

“I’m a proud father,” sabi ni Richard. Prior sa pag-amin niya, nabalitang nanganak si Sarah April last year. Kaya more than one year old na si baby Zion. Nai-post naman ni Sarah sa kanyang Instagram account na never nilang idinenay ang kanilang anak. Gusto lang daw nila ng privacy para sa bagets.

Sa pag-amin ni Richard, sa ayaw at gusto nila, maituturing na celebrity na rin si baby Zion. Kumbaga, extension ang bagets ng kanyang celebrity parents. Interesado ang madlang pipol makita ang itsura ni baby Zion. Kailan naman kaya ang wedding bells for Richard and Sarah?

Together again
Wish come true kina Zanjoe Marudo at Pokwang na gumawa silang muli ng movie together. Tinupad ito ng Skylight Films, sister company ng Star Cinema at pinagsama sila sa “My Illegal Wife.” Unang nagsama sina Zanjoe at Pokwang sa “Cinco.”

Una naman silang nagkatrabaho sa sitcom na “Aalog-Alog” sa ABS-CBN. Ani Pokwang, nasubaybayan niya ang career ni Zanjoe noong nasa PBB (“Pinoy Big Brother”) house pa ito. He calls her mamang bilang respeto dahil parang nanay niya si Pokwang. Pero sa “My Illegal Wife,” mag-asawa sila at may mga eksenang sine-seduce ni Pokwang si Zanjoe.

Sa presscon, natanong si Zanjoe kung hindi ba raw siya na-turn on kay Pokwang? Aniya, comedy naman ang dating, kaya walang malisya. Tiniyak niyang hindi pagseselosan ng girlfriend niyang si Bea Alonzo si Pokwang sa mga eksenang “nilalandi-landi” siya ng komedyana.

“Napakabuting tao ni mamang. Maalaga siya kapag nasa set kami. Ipinagluluto niya kami. Masaya, masarap siya kasama,” wika ni Zanjoe.

Kung wala kayang Bea Alonzo, posible kayang magustuhan niya si Pokwang? “Wala namang problema sa itsura niya. Marami nga ang nagkakagusto sa kanya. Maganda ang ugali niya, sexy pa,” showbiz answer ni Zanjoe.

“My Illegal Wife” also stars Beauty Gonzales, Empoy Marquez, Pooh, Edgar Allan Guzman, Ellen Adarna, Joy Viado, Anita Linda, Mikylla Ramirez and Steve de Guzman. Directed by Tony Y. Reyes. Showing on June 11.

Nakipag-break sa telepono
Si Luis Manzano kaya ang peg ni Aljur Abrenica, kaya sa telepono lang siya nakipag-break kay Kylie Padilla? Si Luis ay nakipag-break kay Jennylyn Mercado sa telepono na ikinawindang ng huli.

Gano’n din kaya si Kylie? Nawindang din kaya siya? Nasa Australia si Kylie at nagbabakasyon nang nakipag-break sa kanya si Aljur. How could you, Aljur?

Tahimik lang si Robin Padilla sa break-up nina Aljur at Kylie. Noon pa man, halatang hindi siya boto kay Aljur para kay Kylie. Kaya lang, nakita niyang mahal na mahal ng anak niya ang Kapuso actor at first love pa ni Kylie si Aljur, kaya quiet na lang si Robin.

Ang mommy (Liesel Sicangco) ni Kylie ang nagalit at pinayuhan nito ang anak na huwag nang makipagbalikan kay Aljur. ’Heard, mainitin daw ang ulo ngayon ni Aljur at totoo bang nambabara siya ng reporter kapag tinatanong siya tungkol sa break-up nila ni Kylie?

comments