Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Susan Roces, Dina Bonnevie say they’re both Bea Alonzo fans

Susan Roces, Dina Bonnevie say they’re both Bea Alonzo fans

Bea Alonzo (sana bukas pa ang kahapon)

by Rowena Agilada

PAREHONG fans ni Bea Alonzo sina Ms. Susan Roces at Dina Bonnevie, co-stars niya sa “Sana Bukas Pa ang Kahapon” kaya hiya-hiyaan at overwhelmed si Bea sa mga papuri sa kanya ng mga ito noong presscon. “Sobrang saya ko. Hindi ko makakalimutan ang presscon na ito. I’m very blessed,” saad ni Bea.

Ayon kay Susan, nasubaybayan niya ang mga teleserye at pelikula ni Bea. “Iba ang kagandahan niya. Very fresh pag pinapanood siya sa screen. Hindi lang ma-capture ng kamera ang kanyang total look and beauty. Napakagaling niyang artista,” lahad ng tinaguriang Movie Queen.

Sinabi naman ni Dina na pinanonood niya ang mga pelikula ni Bea at nagagalingan siya sa pag-arte nito. “She’s true to her role. Inaaral niya talaga. Ang ganda niyang umiyak. Ako pangit umiyak (laughs). Sa mga intense love scene ni Bea, hindi baboy panoorin. Very decent, very sincere siya sa pagganap sa kanyang karakter,” pahayag ni Ms. D.

SUSAN Roces

Di siniseryoso
Binansagang Movie Queen ng bagong henerasyon si Bea, kaya naitanong kay Ms. Susan kung handa na ba siyang ipamana ang titulo niyang Movie Queen. “Wala akong karapatan ipamana ang title. Hindi ko naman siniseryoso ’yan. Nabansagan lang ako dahil siguro si FPJ (the late Action King), my husband, ay binansagang King of Philippine Movies. Siguro, respeto na lang ’yan (Movie Queen title) sa akin because of my age. Hindi na ako pwedeng tawaging Princess (laughs),” wika ni Ms. Susan.

Ayon naman kay Bea, isang malaking karangalan na bansagan siyang Movie Queen ng bagong henerasyon. Alam daw niyang may mga kokontra, pero hindi naman daw niya hiningi o ipinagpilitan ang bansag na ’yun sa kanya.

Sobrang thankful siya sa Dreamscape Entertainment Television sa malaking tiwala sa kanya at sa pagkakataong makatrabaho sina Ms. Susan at Ms. D. sa “Sana Bukas Pa ang Kahapon.” Ito ang ipapalit sa time slot ng “The Legal Wife” at ani Bea, sobrang napi-pressure siya. “Pero kapag pinapanood ko ang trailer (SBPAK), nagkakaroon ako ng confidence. Sana panoorin at magustuhan din ito ng televiewers,” sambit ni Bea.

Dual role ang sa kanya, kaya medyo hirap siya, ani Bea. “Magkaibang-magkaiba ’yung dalawang characters ko. Bilang Emmanuelle, matapang siyang abogada, malakas ang dating. Bilang Rose naman, kahit mayaman ay walang tiwala sa sarili dahil sa panlalait ng ibang tao sa itsura niya,” paliwanag ni Bea.

Kinabahan
At 53, hindi akalain ni Albert Martinez na magiging leading man siya ni Bea Alonzo sa “Sana Bukas Pa ang Kahapon.” She’s 26 years old at halos anak na lang ni Albert ang Kapamilya actress. May love scene pa sila dahil mag-asawa ang ginagampanan nila sa SBPAK. May anak pa sila, ang child star na si Miguel Vergara.

“Kinabahan ako talaga. Nakabog ako dahil ang bata ng leading lady ko. A long time ago pa ako nagkaroon ng love scene at inilagay ko na ’yun sa baul (laughs),” sabi ni Albert.

Pero aniya, romantic scene naman between husband and wife ang kinunan sa kanila ni Bea. “It’s all about love. Very artistic. Medyo kinabahan pa rin ako dahil hindi na ako masyadong komportable sa gano’ng eksena,” lahad ni Albert.

In fairness, he doesn’t look his age dahil aminado ang aktor na vanidoso siya at nag-e-effort siya talagang pangalagaan ang kanyang katawan at mukha. ’Yun daw kasi ang puhunan ng mga artista… ang magandang itsura at porma.

SBPAK premieres on June 16 sa ABS-CBN Primetime Bida. Kasama rin sa cast sina Tonton Gutierrez, Eddie Garcia, Paulo Avelino, Maricar Reyes, Anita Linda, among others. Directed by Trina Dayrit and Jerome Pobocan.

comments