Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dina: Pauleen or Pia should leave ‘Bulaga’ for delicadeza

Dina: Pauleen or Pia should leave ‘Bulaga’ for delicadeza

DINA Bonevie

by Rowena Agilada

ANO kaya ang reaction nina Pauleen Luna at Pia Guanio sa sinabi ni Dina Bonnevie na for delicadeza, isa dapat sa kanila ang mag-resign sa “Eat Bulaga”?

Kilala si Ms. D sa pagiging outspoken at ’yun ang pahayag niya sa mga nakausap na entertainment writers sa presscon ng “Sana Bukas Pa ang Kahapon.” Isa si Ms. D sa mga artistang paboritong interbyuhin dahil sa pagiging vocal niya sa mga saloobin niya sa mga isyung hinihingan siya ng reaction.

Tama naman ang ex-wife ni Vic Sotto sa sinabi niyang kapag napapanood sa “Eat Bulaga” na magkasama pa sina Pia at Pauleen sa isang segment, hindi maiwasang mag-isip ang televiewers ng kung anu-ano. Hindi lang si Ms. D ang nakakapansin nu’n, pati ang mga tagasubaybay ng naturang noontime show.

Imagine nga naman, magkasama sa isang show ang ex at current GF’s ni Vic? Paano kaya nati-take nina Pia at Pauleen ang isa’t isa? O, nagpaplastikan na lang sila? Whatever! Sa mga ex-GF ni Vic, tanging si Pia lang ang hindi nag-resign sa “Eat Bulaga.”

In any case, happy si Ms. D na kasama siya sa SBPAK at isang mahalagang role ang ginagampanan niya. Happily married siya kay Ilocos Sur Vice Gov. Deogracias Victor Savellano na, ani Ms. D, ay very supportive sa kanyang career. Sa Ilocos naka-base silang mag-asawa, pero pinayagan siya (Ms. D) ng kanyang husband na kapag may taping siya ng SBPAK, sa QC muna siya. May bahay si Ms. D sa isang exclusive subdivision sa QC. May restaurant naman ang husband niya sa QC rin, ang Victorino’s sa Scout Rallos at 11th Jamboree streets.

Mag-inang aborsyonista
It’s been a while na hindi napanood sa TV ang mag-inang Lorna Tolentino at Renz Fernandez. Huling napanood si Renz sa “Prinsesa ng Buhay Ko” with Kris Bernal and Aljur Abrenica. Si LT naman, sa isang teleserye with Dingdong Dantes sa GMA7.

Sa episode na mapapanood ngayong Sabado sa “Magpakailanman,” pinagsama sina LT at Renz sa “Mag-inang Aborsyonista: The Azon and Alvin Note Story.” Dala ng kahirapan, napilitan sina Corazon at Malvin na pasukin ang iligal na gawaing ito.

Alamin kung maitatama pa kaya ng mag-ina ang mali nilang gawain. Magbago pa kaya ang kanilang kapalaran? O, habang buhay nilang dadalhin ang tatak na mag-inang aborsyonista? Tutok lang sa “Magpakailanman” sa bago nitong time slot pagkatapos ng GMA Blockbuster.

comments