Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Jasmine’ taping halted

‘Jasmine’ taping halted

Jasmine Curtis-Smith

by Rowena Agilada

AS of presstime, wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng TV5 hinggil sa biglang pagka-pack up ng taping ng “Jasmine,” mini series ni Jasmine Curtis-Smith. Mismong ang direktor nitong si Mark Meily ang nagpack up last Thursday (June 5) afternoon.

Agad-agad nagpatawag ng emergency meeting ang TV5 executives kaugnay ng nangyari. Kasalukuyan pang inaalam ang buong kuwento. Balitang pansamantalang hinto muna ang taping at hindi pa rin tiyak kung maipapalabas ang second episode ng “Jasmine” ngayong Linggo.

BEA AlonzoAnswered prayer
Kahit may mga bulaklak na design ang suot na white long-sleeved sweatshirt ni Zanjoe Marudo noong nag-guest siya sa “Kris TV,” carry pa rin niya at hindi pag-iisipang pa-girl ang outfit ni Zanjoe. Hunk pa rin ang dating ng boyfriend ni Bea Alonzo.

Haba naman ng hair ni Bea nang sabihin ni Zanjoe on national TV na siya ang huling girlfriend nito. Halatang so much in love si Zanjoe kay Bea. Answered prayer sa binansagang Movie Queen ng bagong henerasyon na makatagpo siya ng lalaking tunay na nagmamahal sa kanya.

Kilig-kiligan ang linya ni Zanjoe na mas mabuti na ’yung nagmamahal siya kesa manakit siya ng babae. Mukha talagang seryoso si Zanjoe sa relasyon nila ni Bea at feeling niya, she’s the one na talaga for him.

Mukhang suwerte sila sa isa’t isa dahil parehong maganda ang takbo ng kanilang respective careers. Tuluy-tuloy ang trabaho nila. May pelikula si Zanjoe, ang “My Illegal Wife,” at may bagong teleserye naman si Bea, “Sana Bukas Pa ang Kahapon” na magsisimula bukas sa ABS-CBN Primetime Bida.

Showing naman on Wednesday (June 11) sa mga sinehan nationwide ang “My Illegal Wife.” May premiere night ito on Tuesday (June 10) sa SM Megamall cinema. Isama kaya ni Zanjoe si Bea?

Ipapakita na
Kaabang-abang ang second episode ng “It Takes Gutz to Be a Gutierrez” na mapapanood mamayang gabi at 9 p.m. sa E! Channel (Skycable 57, Cignal 25, Cablelink 33) at iba pang cable providers sa Pilipinas at sa ibang Asian countries.

Ipapakita na si Baby Zion, anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Deadma na lang sina Richard at Sarah sa mga basher nila sa pag-amin nilang may anak na sila.

Ang mahalaga, masaya sila sa kanilang little angel at malaya na nilang maisasama si Baby Zion kahit saan na walang pagaalalang baka may makakita sa kanila. Isang bonggang binyagan ang pinaghahandaan ng mga Gutierrez para sa bagong miyembro ng kanilang pamilya, si Baby Zion.

Nasa Dubai ngayon sina Richard at Sarah para sa isang ginanap na fashion show. Nagpunta rin sila sa Abu Dhabi para mamasyal. Next week ang balik nila sa Pilipinas.

comments