Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Jasmine’ taping natigil dahil sa stalker

‘Jasmine’ taping natigil dahil sa stalker

JASMINE Curtis-Smith

by Rowena Agilada

DAHIL pala sa stalker kaya na-pack up ang taping last week ng “Jasmine” ni Jasmine Curtis-Smith. Ayon kay direk Mark Meily, nalaman niya sa kanyang production staff na nakakatanggap ang mga ito ng stalk-like text messages at tweets mula sa hindi kilalang numero. Akala raw nila, isa sa kanila ‘yun, until nalaman nilang pati ang fans ni Jasmine ay nakakatanggap din ng ganoong text messages at tweets mula sa kaparehong numero at twitter account.
RYZZA Mae
Hindi nila alam kung sino ang stalker na ‘yun, kaya nag-desisyon siyang i-pack up ang taping. Sa pag-iimbestiga nila, nalaman nilang harmless ang text messages at tweets. Tuloy na uli ang taping ng “Jasmine” at mapapanood na uli ito this Sunday sa TV5. So, there!

Gusto ring maging governor
Mukhang na-influence ni Governor Vilma Santos-Recto si Ryzza Mae Dizon at gusto rin ng bagets maging governor balang araw. ‘Kaaliw ang tsikahan ng dalawa nang dumalaw si Ryzza sa Kapitolyo ng Batangas para interbyuhin ang Star for All Seasons para sa “The Ryzza Mae Show” sa GMA7.

Ani Ryzza, gusto niya ring makatulong, kaya gusto niya ring maging governor. Gusto ring maging chef ni Aling Maliit at gusto rin niyang maging make-up artist/styliSt. Gusto rin niyang maging drama actress tulad ni Gov. Vi. Alin kaya sa mga ambisyon ni Ryzza ang matutupad years from now?

Birthday today ng bagets at 10 years old na siya. May birthday celebration siya sa “The Ryzza Mae Show.” Magandang birthday gift kay Aling Maliit ang bahay niya. Aniya kay Gov. Vi, umiyak siya sa sobrang saya noong lumipat sila. Pangarap daw niya talaga ang magkaroon ng sariling bahay. Dati raw kasi, maliit lang ang bahay nila at sa karton lang sila natutulog. Ngayon, may sarili na siyang kuwarto at naka-aircon pa.

‘Heard, nakapangalan kay Ryzza ang bahay dahil hiwalay ang parents niya. Ang Tape Inc. ang namamahala sa kinikita niyang pera at nakalagay ‘yun sa isang trust fund. Binibigyan lang si Ryzza ng allowance.

Bigay-todo
Ang galing-galing ni Lovi Poe sa mga eksena niya sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Effortless ang acting niya. Very natural, kaya marami ang nakakarelate sa karakter niya bilang Shiela.

‘Yung mga tinginan nila ni Dingdong Dantes, ‘yung pagpapahiwatig ng mga nararamdaman nila sa isa’t isa, panalo! Hindi sina Dingdong at Lovi ang na ki kita mo, kundi ‘yung mga karakter nila sa naturang teleserye. ‘Yung love scene nila, pareho silang bigay-todo. Just curious, napanood kaya ‘yun nina Marian Rivera at Rocco Nacino? May nagselos kaya?

Ang bilis ng pacing ng mga kaganapan sa istorya ng “Ang Dalawang Mrs. Real.” Hindi boring, kaya nakaka-engganyong panoorin. Ang gagaling pa ng cast sa aktingan.

comments