Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Angel Locsin magnininang kay Baby Zion

Angel Locsin magnininang kay Baby Zion

ANGEL Locsin

by Rowena Agilada

ISA si Angel Locsin sa mga ninang ni Baby Zion, anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. This Sunday (June 15) ang binyag kasabay ng 1st birthday celebration ni Baby Zion. Magiging certified mag-kumpare/ mag-kumare na sina Richard at Angel. Dati silang magka-love team noong nasa GMA7 pa si Angel. Sila ang dating Kapuso King and Queen. For now, freelance actor si Richard.

Kahit lumipat si Angel sa ABS-CBN, hindi naapektuhan ang friendship nila ni Richard. Just curious, sa baptismal certificate ni Baby Zion, Gutierrez na kaya ang ipagamit nina Richard at Sarah? Lahbati kasi ang gamit na apelydio ng bagets.

Isama kaya ni Angel si Luis Manzano sa binyag at birthday party ni Baby Zion? Magkasama pala ang showbiz couple sa Japan kamakailan. May show roon si Angel kaugnay ng Philippine Independence Day. Nai-post ni Luis sa kanyang Instagram account ang picture nila ni Angel na nakapayong sila. Ang caption ni Luis: “Basang-basa sa pagmamahal ang Japan.” Umuulan kasi noong nagpa-picture sila. Sa post naman ni Angel sa kanyang IG, ang background nila’y “Welcome to Japan.”

Missing in action
Isa pang missing in action ay si Diether Ocampo. Nasaan na nga ba siya? Ano’ng pinagkakaabalahan niya ngayon? Ano nang nangyari sa kanyang KIDS Foundation?

How true, choosy si Diether sa pagtanggap ng project, kaya nawalan siya ng offer? Huli siyang napanood sa teleseryeng “Apoy sa Dagat” sa ABS-CBN. May tsika namang diumano’y may sakit si Diether, kaya hindi siya diumano pwede magtrabaho.

Minsang na-link si Diether kay Kris Aquino. Ang ex-partner niyang si Kristine Hermosa ay happily married na ngayon kay Oyo Sotto at buntis sa second baby nila.

Chickboy pa rin
May bago na naman palang girlfriend ang isang TV host. Non-showbiz ang girl. Matinik pa rin pala sa chicks hanggang ngayon ang TV host na may playboy image. Tanong nga ng isang reporter, bakit daw kaya hindi nagtatagal ang pakikipag-relasyon ng TV host? Maraming babae na ang nagdaan sa buhay nito at pinaasa sa wala.

’Yung ex-wife ng TV host, happily married na at stable na ang buhay. Si TV host, waring hindi pa rin natatagpuan ang babaeng makakasama for the rest of his life. He is not getting any younger. Papalit-palit pa rin ng karelasyon.

comments